Showing posts with label politics. Show all posts
Showing posts with label politics. Show all posts

Sunday, 20 July 2014

"Saan Po Kayo Kumukuha Ng Kapal Ng Mukha?"

7/12/2014 10:31:08 AM

Ito ang narinig  mo sa State of the Nation Addres ng Kuya mo last year (Lunes yun to be exact, July 22, 2013).

Manila Bulletin, philipinenewscentral.wordpress.com

“Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”

Hanep. Panalong soundbyte ah. Pwedeng gawing ringtone pag may nagtetext sa yo na alam mo na isang tiwaling tao, o manlolokong ex, o yung plastik mong kaibigan.

Parang minsan maiisip mo na lang: saan kaya may ganun? Wala sa tindahan eh, sa supermarket, o sa wet and dry market, o kahit sa mga underground shops, o warehouse na may illegal na droga?

Nasa ilalim kaya ito ng dagat? O nakatago sa mga magma ng bulkan, o nakabaon kaya ito sa sementeryong walang puntod? O baka naman sa outer space?

Pero seryosong usapan lang (as in pulitikal), lumabas ang ganitong tirada noong may pinapatamaan siya sa mga tila tiwaling ahensya noon (di nga lang ako sigurado kung DPWH yun o Bureau of Customs).


Pero, sa panahon na ito, akmang-akma yun ah. Oo, mararaming makakapal ang mukha sa lipunan natin, at hindi lang ito yung mga nakaupo sa alinmang opisina ng pamahalaan ha?

Minsan naiisip ko, masarap siguro itanong yan sa mga kupal sa ating lugar. Oo, yung mga tipon:

Kina-cut sa mula sa blind side tapos sila pa ang may ganang magalit sa ‘yo at hahamunin ka pang manu-a-mano oara pandagdag danyos. Tangina lang eh no?

Yung mga nagnanakaw sa kaban ng bayan (pero siyempre, sino ba namang aamin sa kalokohang yun), pati yung mga nanlalamang sa mga customer nila, pati na rin sa kapwa nila, yung namumulitika sa opisina. Yung mga tipong hindi pumasok dahil may sakit raw siya (pero actually, ang sakit niya ay “katam” — short for katamaran.)

Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?

Pero mas applicable ito sa mga larangan ng pamhalaan. Kasagsagan rin kasi ito nun ng pork barrel scam. Nakapagtataka nga naman, kasi yung mga snatcher, holdaper na mula sa mabababang antas ng pamumuhay ay nakukulong at nabubulok talaga sa kulungan (maliban na lang kung may taga-bail sila sa sindikato, o bata sila ng ilang kapulisan), tapos katiting lang ang nakukuha nila ha?

Kung ikukumpara yan sa mga high-profile? Wag ka, mga pare’t mare, parang hotel room lang ang detention facility nila. Tapos sikat pa sila lalo, kulang na lang ay tuluyang i-glorify pa ng mainstream media.

Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga ito?

Pahingi naman, nakakahiya naman sa inyo ha?

Author: slickmaster |© 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 17 June 2014

Senadong Loko-loko

06/13/14  03:51:10 PM 

Ito na yata ang kakahinatnan natin matapos tayong mauto sa kanilang mabulaklak na salita sa ere at markahan ang panagalan nila sa balota. Akala kasi natin ay may ibubuga talaga ang kasikatan nila pag sila'y niluklok natin sa kani-kanilang mga upuan sa opisina. Akala natin, may makukuha tayong kapaki-pakinabang para sa bayan/lungsod/lalawigan na kinagisnan natin, at sa mas mahalaga at malawakang sakop, sa buong bansa.

Ops, 'wag mo kong hiritan ng “'Wag mo kong idamay d'yan!” Tarantadong hipokritong 'to. May kasalanan ka pa rin dito dahil kabilang ka pa rin bilang mamamayan ng republikang ito.

Sa mga resulta ng eleksyon natin malalaman ang ganitong klaseng polisiya: “kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat.” Parang noong elementarya't high school lang, eh no? Pag may ginawang kagaguhan ang isa mong kaklase at pumutok ang butsi ng titser mo dahil dun (na mas matindi pa kapag siya ay nagkaroon ng menstruation period nun o dili naman kaya'y pag nag-away sila ng jowa o asawa niya), ay tiyak na matunog na sermon ang maririnig mo. Oo, kahit alam ko na pagkatapos ng “scolding session 101” n'yo ay pustahan—parang walang nangyari lang ah.

Pero balik tayo sa mga naganap (simpleng analogy o metaphor pa lang ay humahaba na naman ang usapang ito). May privilege speech na naganap, tapos nagtapos sa isang “song number.” At take note, sariling kumposisyon pa n'ya yun. As in daig pa niya yung mga artista na pangit na nga ng tinig pero 'wag ka, nakakabenta ng concert at CDs (ahhh... “[insert name of that kind of artist] WHO?!”)

Kaya nauso rin ang hashtag na “#BongPanes.” Asus, ang tagal-tagal na ng pariralang yan eh (maliban sa pagagamit ng pangalan bilang reference siyempre).

Yun nga lang, mabenta nga siya. Kaso sa pangungutya. Ano pa bang maasahan mo? Una, ang karamihan sa mga sentimyento ng mga netizens ay halos walang pinagkaiba sa tipikal na alingawngaw ng mga literal na ordinaryong nilalang (maliban pa yan sa dahilan na parehong klase lang ng tao ang tinutukoy ko). Sa madaling sabi, galit ang mga tao sa gobyerno—at yan ang masaklap na katotohanan, kahit may argumento rin na “bakit tayo magagalit sa kanila, eh dapat ay magalit tayo sa kapwa natin,” bagay na naiintindihan ko kasi may ganun din akong punto de vista.

Yan pa kasi binoto natin eh. Actually, pwede ko ring sabihing “n'yo” dahil hindi ko rin naman siya nilista gaya na lamang ng mga taong umaangal ng “wag ako, iba na lang.” Kaso maliban pa sa mga birahan ng “hipokrito,” kung generalization ang usapan, ay sorry na lang din ako. Damay-damay na.

Yan kasi napapala natin eh. Kung sino ang sikat, yun ang binoboto. Kahit wala pa siyang napapatunayan talaga. Basta matunog ang pangalan, ika nga ng isang telecomuunications company, go lang ng go.

Yung isa naman, nagprivilege speech din, kaso maliban sa mga panalong soundbyte na gagawan na naman ng mga tao ng kani-kanilang version ng rebuttal (take note: hindi mo kailangan maging sing-galing ni Dello para lang gawin yun. At sino si Dello? Manood ka ng ilan sa mga sinaunang video ng FlipTop nang malaman mo), ay isang napakaboring na presentasyon lang. Buti pa nga yung isa may soung number na pangkaraoke eh.

Alam ko, anak ng dating artista yan na naging presidente rin ng Pilipinas at ngayon ay alkalde na ng Maynila. Kaya siguro may kaugnayan pa rin ang dugong Showbiz sa kanila.

Pero, ayun, aarestuhin na raw sila. Ano ngayon? Aba'y ewan ko. Ngunit, aasahan ba natin na mananaig talaga ang hustisya na yun, sa lipunan na mararaming maruruming tao ang naglalaro, asa pa no.

Maari na ang punto rito ay ganun sana. Kaso magsisilbi na naman yun na leksyon sa atin (kabilang sa mga aralin na hindi natin magawang ipasa) na mangilatis sa pagboto sa mga kanidatong ihahalal natin. Oo, tama nga yung kuya mo, na hindi tayo nagpapadala sa mga tao na kumakanta lang. Kaso... eh?! Labo din nun eh. Kitam mo nga yung ibang mahahalagang batas at proyekto ayu inaabot na rin ng siyam-siyam.

Yan pa kasi binoto natin eh. Yan tuloy. Kung kaya lang magwikang Tagalog ng mag elitista at katutubo na taliwas sa kamalayang kinagisnan natin, baka ang masasabi lang nila ay “BOOM PANIS!” At malamang, mas pagtutunan na lamang nila ng pansin ang mga may katuturang bagay kesa sa kasalukuyang mundo ng pulitika na nagiging isa nang malaking moro-moro't sarswela.

Oo, ganun nga sila sa ngayon, kaso taob pa rin sila sa mga hit na teleserye sa panahon ngayon.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions