Showing posts with label religion. Show all posts
Showing posts with label religion. Show all posts

Saturday, 26 April 2014

Tunay Na Banal

4/27/2014 2:16:44 PM

Sana ang karamihan sa mga taong nagpapakita talaga ng TUNAY na kabanalan, ay tulad ni Pope John Paul II. Oh, correction, Saint John Paul II.

Sa totoo lang, hindi ako saradong Katoliko, at hindi rin naman ako nabuhay sa medieval ages (ni hindi nga ako nakapunta sa isang malaking event noong 1995 na tinaguriang World Youth Day).

Pero hindi naman sa pangungumpara, ano? Ang mga tulad ni Karol Wojytla – o mas kilala mula pa noong 1978 bilang si Pope John Paul II – ang isa sa mga taong kailangan ng Simabahan para mapalaganap ang dalawang bagay: una, ang pananamplataya; at pangalawa, ang asal ng katinuan.

Sinasabi na isa sa mga astig na santo papa si Pope John Paul II. Kaya siguro, sa kagasagan nung ng pagpapalit ng taon, dekada, siglo at milenyo, tinagurian siya bilang “The Millenial Pope.” Ayaw kong magspekula kung dahil ba ito sa pakikisabay niya sa agos ng nagbabagong panahon.

Bagkus, ay mas mabuti pa yatang isipin na isa siya sa mga tinatag na “catalyst” noong panahon na yun. At ano ang catalyst? I-Google n’yo ng malaman n’yo. Dahil maraming nagbago sa Simbahan sa panahon ng kanyang panunungkulan. Isa rito ay yung tila naging mas malapit sa tao ang Simbahan (o ang Simbahan sa tao o vice versa). At tila marami siyang binago na buhay sa parehong tao at bansa.

Yun nga lang, may mga pananw din siya na against sa mga isyu na taliwas naman sa konserbatibong pananaw ng yumaong Santo Papa. Isa rin sya sa mga tahasang kumontra sa death penalty at capital punishment.

At kinalaban diumano ang mga samu’t saring komunista ng mundo.

Dinayo niya ang mararaming lugar sa mundo. Nakisalamuha siya sa iba’t ibang uri ng klase ng tao. Hindi ito basta-basta mabibilang sa numero. At kahit may sakit, hindi niya hinayaan na hindi siya dumugin ng taong nagmamahal sa kanya at kahit nanghihingi lang ng kanyang “blessing.” Kahit na dalawang beses pa kamo siyang inattempt na i-assassinate.

Hindi man siya perpektong nilalang para maging pinuno ng Simbahan (after all, tao pa rin naman siya at marunong humingi ng paumanhin sa mga bagay na pagkakamali sa kanyang tenure), ay maituturing naman na isa siya sa mga mala-alamat na Santo Papa sa contemporary era. Tama lang din yung nagsabi na “John Paul The Great” ang maaring maitawag din sa kanya.

Dahil napapabihira lang sa mga Santo at mga potensyal pa na Santo ang mga kalidad at kwalipikasyon na mayroon siya.

Siguro, kung may susunod sa legasiya niya, yan ay si Pope Francis.

Ano kaya ang dapat matutunan ng mga tao – particular ng mga Katoliko – sa kaniyang pamamahala?

Maging matatag sa pananampalataya, lalo na sa Dakilang Maylikha. Maaring importante ang relihiyon dahil ito ay nagsisilbing instrument, pero dapat ay mas gamitin ito para maging malaipit sa Diyos at hindi para lang masabi na “relihiyoso ako.” (Sabihin mo lang yan sa harapan ko at isasagot ko lang naman sa’yo ay, “eh ano ngayon? Kailangan bang ipangalandakan masyado yan?”)

Maging bukas ang siiapn sa pagbabago – maaring kontra na ang turo ng yumaong Santo Papa sa napapanahon ngayon, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na aware. Maari pa rin naman tumayo at manindigan sa ganun, dahil natural pananaw mo yun eh. Yun nga lang, wag isarado ang pinto.

Matutong gumalang sa paniniwala ng iba. Bagay na hindi mo na yata makikita pa sa iba (and please, hindi isang lehitimong excuse ang sabihin na “sarado Katoloko” ka. Dahil meron nga d’yan na iba na kauri mo pero at least natututo naman na rumespeto sa tao na may ibang relihyon at pananampalataya – basta para sa tinatawag na "humanity’s sake").

Iba ang pagpo-profess mo ng faith sa pamamagitan ng pagkalat ng kanyang Salita; sa pagyayabang sa sarili mong relihiyon and at the same time, pangungutya sa iba. Magkaibang-magkaiba kahit isang payat na linya lang ang naghihiwalay sa kanila.

Maging malapit sa tao kung gusto mo ng pagbabago. Masaydo bang malalim? Kahit ako nalaliman eh. Pero maypagakatotoo naman eh. Kung gusto mong sabihin na “make peace and love, not war?” approach mo sila, at idaan ang lahat sa mabuti at masinsinang usapan.

Last but not the least, maging ehemplo para sa mga kabaro, at huwag maging panibagong taong tatawagin na “hipokrito.”


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 20 April 2014

Tirada Ni SlickMaster: $30M o Misa?

4/17/2014 2:43:58 PM

Isang pasada na naman sa maiinit na tirada kahit sa panahon pa ng Semana Santa (eh wala eh. Mainit ang panahon eh).

Nadismaya si Cardinal Tagle sa mga kabataan. At ang pinakadahilan? Pera.

Iba talaga pag nagagawa ng pera ano? Pero sandali, di pa tapos ang storya eh.

Isa sa mga balita kasi sa Rappler ang pagkadismaya diumano ng arsobipso ng Maynila ukol sa isang tanong na binato niya sa kanyang Homiliya noong Linggo ng Palaspas. Aniya, milyong pera o misa?

And as usual, dahil relihiyon ang usapan, may mini-word war na naman sa cyberspace.

Ngaunit hindi na ako nagtaka kung bakit mas pinili ng mga kabataan ang $30 milyon.

Teka, may nakapagtataka pa ba sa desisyon ng mga bata? Sa panahon kasi ngayon na ultimo ang gastadorang henerasyon tulad na lamang ng mga bata ay nagpapakapraktikal lang naman kahit papaan eh. Obviously, yan talaga ang pipiliin nila. At walang halong kahipokrituhan yan, ‘di tulad ng mga tao sa sekta na pangharap nila ay gumagawa nga ng kabanalan, pero nuknukan din naman ng kasamaan pag wala na sila sa altar o simbahan (and please, hindi kailanman katanggap-tanggap ang excuse na tao lang sila at nagkakakamai sa puntong yun. Oo, alam kong nagkakamali, pero hindi naman siguro yung palagian eh no?).

Kung ganun man talaga ang sagot ng mga bata, wala na sigurong kinalaman ang kalandian nila rito. Siguro, ang ‘kalsalanan’ na maging sakim ang may kaugnayan. Sakim sa makamundong bagay tulad na lamang ng gadget, pamporma, o ultimong mga libro.

Di naman kaya ay nagkamali lang sa pag-intindi o pag-interpreta si Father? Kasi pwede naman maging argumento riyan ay, pipiliin ko yung pera, tapos idodonate ko sa simbahan? O maari rin na pagkatapos (pillin ang $30M) ay magsisimba ako para magpasalamat?

So ang sa lagay ba e makitid ang pag-unawa niya? Hindi naman siguro ganoon. Pero kanya-kanyang pananaw din kasi yan eh.

O di naman kaya ay… nagkamali siya sa pagbibitaw ng tanong? $30M o misa? Kung lalaliman mo ang dalawang matimbang na bagay na ito, masasabi na ang $30M ay obviously, pera o kayamanan o anumang makamundong bagay na maaring magpaligaya sa tao. Ang misa naman ay, ang pananampalatay mo sa Diyos (dahil ang misa ay isang akto ng panalangin o aktibidad na may kinalaman sa pananampalataya mo).

And let’s face it: yan ang problema pag tinanong mo ang mga tao gamit ang simile, hyperbole o alinmang malalaim na figures of speech. Hindi lahat makakagets niyan dahil ang karamihan sa mga tao sa lipunan natin ang parang swimming pool na 3 feet ang lalim – sa madaling sabi, mababaw. Ampaw lang ang kaalaman o pag-unawa.

I would think na posibleng nagkamali siya sa pagbitaw ng tanong.

To say na nagiging materyalistiko ang mga tao sa panahon ngayon ay maaring isang malaking katotohanan. Pero ang paghuhusga sa kanila ay hindi nakatutulong o ni hindi makakapagpadagdag sa status mo bilang banal. Ika nga ng isa sa mga turo ng mga isktriptura ang huwag humusga, di ba?

Kasi ang dating ay parang ganun eh. (Pero actually, kahit ako ay napahusga din bigla ah. Nah, maliban sa human nature eh I doubt na nasususnod ito lalo na sa estado ng relihiyon sa bansa.)



Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions