Showing posts with label noon at ngayon. Show all posts
Showing posts with label noon at ngayon. Show all posts

Wednesday, 9 July 2014

Alaala Ng Trese

6/7/2014 11:41:05 PM

Let’s shy away from the three big networks here in the Philippines. Pag-usapan naman natin… ito.

Sa panahon na sinusulat ko ang blog post na ito, ay kasalukuyan kong pinapanood ang Retro TV, isang programa ng IBC-13 na umere muli nitong nakaraang Sabado ng gabi, (dakong alas-10 yun, to be exact).
Sa panasamantalang pagtangkilik sa programang yun, na ang nag-host pala by the way ay si Drew Arellano, isang episode ng TODAS at Sic O Clock News ang umere.

Bigla kong naalala, at lingid ito sa kaalaman ng maraming tao sa panahon ngayon maliban na lamang kung matalas pang memorya mo noong dekada ’80, maliban pa sa mga masasalimuot na alaala ng Martial Law—na isa sa mga tanyag na istasyon ng telebisyon noon ay ang channel 13, o trese, o kung masyado kang mahilig sa teknikalidad at terminolohiya, ang Intercontinental Broadcasting Corporation.

Pagmamay-ari ito ng isang Roberto Benedicto, isang media chain owner din, noong kapanahunan ng rehimeng Marcos. Yun nga lang, pagkatapos ng 21 taon ng kanyang panunugkulan, ay isa rin ito sa mga na-sequester. Meaning, napasakamay ito ng pamahalaan mula pa noong 1986, at hanggang ngayon.

Pero sa dekada ’90 naman ay umuusbong pa rin naman ang trese, kasama ang RPN 9, ABS-CBN 2, GMA-7 at ang bago lang din nun na ABC-5. Naging tahanan nga sila ng mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA) ng mahigit isang dekada. Naging isang premier sports channel na maituturing dahil isa rin sila sa mga nagcover ng mga laro ng boxing at ultimo ang WWE dati na kilala pa bilang WWF o World Wrestling Federation  (well, yung huling halimbawa ay ayon sa aking erpat; pero correct me if mali ako dyan).

At ang dalawang programa na pinanood ko ay kabilang lamang sa ilang bantog na sitcom nun sa kasaysayan ng Philippine Television, at ilan din sa listahan ng mga astig na prorama nun ng IBC.

At kahit noon pa man, isa sa mga trademark ng IBC 13 ay ang pagpapalabas ng mga programa na naglalarawan sa kultura natin. Oo, ang kultura ng Pilipino. Ang Tipong Pinoy (na by the way ay pinapalabas din pala sa Knowledge Channel, ang educational channel ng Sky Cable) ay isa sa mga programa ng 13 mula pa noong 90s. Yun nga lang, hindi ko maalala ang pangalan ng babaeng host nito at ang pagkakaalam ko ay ang kasama niya dun ay ang musikero at anak ng batikang news anchor Mel Tiangco na si Wency Cornejo.
Sa ngayon, ineere pa rin yata nila yun, kasama ang 2010-ish produced na CoolTura, at ang A Taste of Heritage.

Ngunit kung ano ang kasikatan noon ng trese, ganun naman ang kabaliktaran sa nakalipas na mga taon.
Maaring naging patok ang IBC 13 dala ng kanilang blocktimer agreement sa Vintage Sports at  PBA nun, pero tila ito rin ang naging ugat ng pagkabagsak nila. Ayon sa taong nakausap ko sa istasyon nun, (o sige, para maging lehitimo ito, propesor ko siya sa eskwelahan nung kolehiyo aako and at the sametime, isa siya sa mga pinakamataas na tao sa channel na iyun), ay hindi sila nabayaran ng liga at naging ugat ito ng kanilang pagkalugi.

Hindi naman siguro sila tuluyang bumagsak. Pero hindi na rin sila kasi basta-basta makasabay sa ibang channel nun, particular sa dos at siyete nun na dalawang higante sa industriya. Kahit sa kabila pa ito ng katotohanan na nagiging blocktimer channel sila sa iba’t ibang mga production outfits sa bansa tulad ng Viva.

Sa panahon na naging estudyante niya ako, naging OJT ako sa istasyon nila. At kitang-kita dun ang ebidensya nun na napaglumaan na ng panahon ang mga pasilidad nila. Naging tila isang bodega na lamang ang isang dako ng studio nila sa dami ng kagamitan, sira man o hindi. At halata sa set-up nito ang edad. Ngunit sa kabila naman nun ay kaya pa rin nila makagawa ng programa tulad na lamang ng Extra Expres, kung saan ay ang kakalse ko nun sa Mass Comm ay naging segment host nila.

At sa panahon na rin na yun ay naging extra nila ako sa isang segment ng programang pinagtatrabahuan namin. Minsan din ay naging assistant cameraman ako para sa isang report ukol sa posibleng privatization ng IBC-13, bagay na wala na akong balita kung natuloy ba o ano na.

Apat na taon na ang nakalipas, at may pagmamay-ari na ang Channel 9 na kahanay nila sa Broadcast City. Basta, ang pagkakaalam ko ay matapos ang dalawang taon na nakipag-partner sila sa Channel 5 para maging AKTV ang 13 mula 5-11 pm kada gabi, ay naging blocktimer sa kanila ang ATC or Asian Television Content, at naging coverer sila ng ONE FC (One Fighting Championship) kahit sa sandaling panahon.

At mukhang nag-eere sila ulit ng mga orihinal na programa nila tulad ng mga binanggit ko sa mga naunang bahagi ng post na ito.

Sayang nga lang at hindi ko napansin kagad ang pagkakataon nun na naghahanap sila ng mga news writer. Pero ayos lang, ganun talaga ang buhay. At least, rejuvenated na nga ang peg ng news studio nila eh. Bagamat mas trip ko pa rin ang delivery style ng anchor ng Express Balita nun.

Well, at least, may mapapanood pa rin ako. Yun ang bottom line d’yan.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 11 February 2014

Gone Too Soon, Tado.

2/12/2014 9:54:40 AM

Tutal lahat naman ay may kwento ukol sa namanaty na sikat na personalidad na iniiolo nila. Aba, wala ako eh. Isang karanasan lang ang maipapaskil ko.

At alam ko, hindi throwback Thursday ngayon. E ano naman?

Naalala ko pa ang kauna-unahang beses kong naengkwentrong ang mamang ito. Once upon a time, sa Save More Riverbanks (taong 2000 yun kung tama pa ang memorya ko; kung hindi? Mas maaga pa dun, mga 1999), ang ermat at pinsan ko ang unang nakapansin sa komedyanteng yun, samantalang ako ay walang kaide-ideya na nakikita nila ang isa sa mga pinapanood nila sa telebisyon.


Sambit ng ermat ko, “Nes, si Tado oh!”

Ako, aanga-anga naman, “saan?”

“Ayun oh,” wala lang, salita lang nila, di nila manguso o maituro man lang (aba, pag ginawa nila yun, malamang mapagkamalan pa silang iskanadloso at iskandalosa no?), kaya dinaan na lang nila sa tingin.

Palapit at patapat ang magtatatlong dekadang edad na komedyante sa shopping cart naming, doon ko nga lang napain na (sa isip-isip ko lang naman), “aba, pucha, totoo nga.”

Sabi ko sa kanila, “oo nga no.”

Sabay reply naman ng mamang nakasalamin at saksakan ang pagkahaba ng buhok, “oo nga no.”

Oo, ginaya lang ako. Pero tanginang yan, na-starstruck ako dun ah.

Sa totoo lang, hindi naman ako ganung iniidolo si Arvin Jimenez eh. Pero naastigan lang ako sa istilo ng pananalita niya sa paghohost at pagpapatawa. Yun nga lang, kung saksakan ng kababawan lang ang alam mo, baka mapataka ka na “what the heck. Nagpapatawa ba talaga ang mamang ‘to?”

Ni aminado nga ako, na hindi ko alam na kasama siya sa Sineskwela until nung nireplay yan sa Knowledgea Channel at Studio 23 nun. Oo, minsan ay kasama niya ang mga bata pa nung si Palikpik at Agaton, isama mo na rin si Kuya Bon, Ugat-Puno, at Kulitsap. Siyempre, si Tintin Bersola at Winnie Cordero kasama din dun no.

Noong 2007 nga lang ako mas nahook-up sa radio nun, sabayan kong napapakinggan ang RT at Magic nun. At sa pagsisimula ng isang programa dun sa RT nun ay napansin ko ang dalawa sa tatlong boses nun na pamilyar sa akin – tama, si Ramon Bautista at Tado. At isama mo na rin si Erning, bagamat hindi ako masyado nakapanood nun ng Strangebrew.

Meron pa ngang pagkakataon na pinopormahan pa nga ata ni Tado nun si Kelly (na DJ din sa 99.5 na nagging Hit FM na nun). Mangilanbg beses ko rin na nirecord ang ilang segment ng programa nila nun para lang may mareplay ako pag nagsasoundtrip ako nun sa biyahe (medyo nagasasawa na rin ako sa nakakasurang tunog ng mainstream nun eh), at napapatawa na lang mag-isa sa kapapakinig nun.

Sayng nga lang dahil sa sorang obsolete na ng PC ko (at nalubog pa nga ang isang CPU ko noong Ondoy), hindi ko na naretrieve ang mga ito.

At noong kasagsakagan ng bangaan nila ni Vice Ganda, hindi ko napanood ang live footage nun sa Kapamilya channel, at nireplay lang ni Tado yun sa programa niya sa Brewrats na nakaistayson na nun sa U92.

Huling beses na nakita ko sa personal ang mamang ito ay noong book launch ni Ramon Bautista noong Nobyembre 2012. Kasama ang kanyang produkto mula sa Limitado (hindi lang yung T-Shirt nya ang tinutukoy ko ha?) na mala-Voodoo na isturang manika. May nakaumbok pa nga eh.

Sa totoo lang, wala ako sa posisyon na magsalita ukol sa taong ito (teka, sino nga ba ako, di ba, maliban sa minsa’y naging tagahanga nya), pero siguro, isa na siya sa mga taong makabayan at may matabang utak ng isang manlilikha sa panahon ngayon. Bagay na mas malawak pa sa mga tulad ni Kiko (na kapwa artista niya at may makabayang tema sa mga gawa niyang musika).

Isa rin siya sa mga tumutulong sa kanyang mga kababayan nun (kung hindi ako nagkakamali ay isa rin siya sa mga tumulong sa mga evacuees ditto sa lugar naming noong nanalasa si Habagat noong Agosto 2012).
Sayang nga lang, hindi siya pinalad manalo. At sayang din na marami pala siyang nais gawin (na may kabuluhan) sa buhay.

Minsan, mapapataka ka na lang, bakit hindi pa mamatay ang mga tarantado (as in mga gago, bastardo, at siraulo talaga; hindi yung mga dala lang ng pagkakataon kung bakit sila napasama) sa lipunan, at bakit ang mga tulad pa ni Tado ang dapat mawala sa pamamgitan ng aksidente sa Bontoc?

Kaso ganun talaga ang buhay eh. Bagamat sa totoo lang, hidni ako masyaod nagpapakakumbinsido sa kasabihang ‘ang masamang damo, matagal mamatay.’

Napadayo pa nga ako sa public viewing niya kahapon. Blockbuster ang pila, ‘tol. Yan ang patunay na maraming nagmamahal sa kanya. Siyemrpe, malaki rin ang fan base niya sa Brewrats at Strangebrew eh. Hindi pa dyan kasama ang mga adbokasiya niya sa buhay at pati na rin ang mga kaalyado sa pulitika.
Grabe lang.

Mabuhay ka, Tado. Ika mo nga , “ang mabuhay nang dahil sa iyo.” Saludo ako sa iyo at sa mga adhikain mo sa buhay.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions