Showing posts with label news. Show all posts
Showing posts with label news. Show all posts

Tuesday, 8 July 2014

Four Years Ago...

07/01/14 10:16:37 AM

Nasaan ka nung nangyari ito? Noong panahon na sinundo ng ate mo ang kuya mo papubntang Luneta, at in return naman ay pormal na nanumpa ang then-nanalong kanidato ng Liberal party bilang pangulo ng bansang kinatitirikan mo?

Masyadong tahimik nun ang kalyeng Legarda sa Maynila (at bakit ito pa ang halimbawa ko? Dahil maliban sa nasa lungsod ako noong panahon na yun, ay malapit lamang dyan ang Malakanyang, o ang tinatawag na “presidential palace.” Isang kaliwa lang sa intersekyon ng Legarda-Azcarraga (o sa kasalukuyang pangalan, C.M. Recto) at Mendiola) noong Miyerkules na umaga na yun. Kakatila pa lamang ng ulan din nun. At totoo lang din, matapos ng eleksyon nun ay wala akong kamalay-malay sa mga pangyayari sa politika.

Basta, ang alam ko lang nun ay nagpaplano kami ng kabarkada namin nun sa paggawa ng thesis, samahan mo pa ng panaka-nakang pagiinternet gamit ang nakaw na wi-fi mula sa kanyang tropa, at ilang shot ng isang kilalang brandy. Malay ko ba na naging pangulo na nun si Noynoy Aquino.

Ahh, kaya pala may putukang naganap nun, tapos ang hinala ko ay yung mga explosion sound waves nun (“explosion sound waves” talaga?!) ay mula pa sa Luneta, o kung sa mas spesipikong lokasyon, Quirino Grandstand. Wala sa radar ko nun na may mga tarantado na namang nagiiskandalo sa mga kalye ng Sampaloc (sabagay, kahit riding in tandem ay hindi makakaalpas sa madulas na kalsada roon).

Pero, ayos lang din eh no? Sa kanyang pormal na unang talumpati bilang pangulo ng republikang ito (o kung masyado kang diplomatiko kuno, estado), mararami rin siyang binitawang salita. As in “panalong sound bytes” lang.

Walang wang-wang. Walang counterflow. Walang toll. Hanep, ang daming pinagbawal. Sabagay, sino ba naman din kasi ang hindi mababagot sa mga sasakyang akala mo kung sinong hari ng kalsada (maliban pa sa mga pampasaherong jeep), na kulang na lang ay sumabog ang mga bintana sa tindi ng speaker niya.

Pero four years later, anyare na nga ba? Wala namang wang-wang na sasakyan na umaariba sa kalsada sa panahon ngayon eh. Pero exemption to the rule dyan ang mga bumbero, ambulansya at police mobile. Oo, siyempre naman, sila nga lang ang mas may higit na karapatan na magpaandar na may wang-wang eh.

Pero ang wang-wang nga ba ay nasa sasakyan lamang? Kung ang kuya mo ang tatanungin mo, malamang, mayroon din siyang sasabihing “utak wang-wang.” At hindi na ito kataka-taka sa mga nakalipas na talumpati niya sa taunang State Of the Nation Address (SONA).

Pero, ang tanong (ulit): may wang-wang pa rin ba sa lipunan? Oo, as long as may tiwala pa rin. Ayan, sa mata niya, ang wang-wang.

Pero... walang counterflow? Nagpapatawa ka ba? Pati yung... walang toll? Sa kalsada, laging may ganyan, lalo na pag may emergency no. kailangan din nito paminsan-minsan.

At yung toll? Eh marami na ngang bagong expressway na naipatayo sa administrasyon niya eh. Good news yun, ex ept for one thing: may toll kaya ang mga yun.

'de. Baka naman yung mga kalsada rito sa lungsod at sa kung saan pa na hindi naman sakop ng mga tollways ang ginagawan ng toll. Yung mga nairereklamo minsan sa mga programa ng mag-utol na Tulfo. Siyempe, bad naman yung paglalagay ng ganun sa mga lugar na hindi naman dapat paglagyan.

At... ay, oo nga pala. May kulang.

“Kayo ang boss ko!” Wow, taray. So, chimay ka ba namin? Ganun? Hindi ganun yun, mga tol. Ang ibig sabihin ng winika niyang yan ay nagpapatunay lamang sa kanyang katayuan bilangpublic servant. Sa kasalukuyan kasi sa mundo ng pulitika, isang malaking kalokohan ang mga salitang “public servant.” dahil kung tutuusin, tayo pa ngang mga mamayan ang nagmumukhang ganun.

Pero four years after, tayo pa rin ba kaya boss niya? Madaling magsabi ng “HINDI!” dahil sa dami ng hinaing natin sa gobyerno na kahit siya mismo ay hindi basta-basta matugunan. Aminin natin: ako, ikaw, sila, siya, at halos bawat isa sa atin ay mahilig pumuna at hindi nasasatisfy kahit na may ginawang solusyon ang pamahalaan.

Pero sa kabilang banda, hindi rin madali ang mundong ginagalawan niya.

Anyway, may dalawang taon pa naman para magawa ang mga dapat na tungkulin niya. Pero sana naman, dalawang bagay lang: mag-iwan siya ng magsisilbing legacy niya, kung bakit siya ang niluklok ng marami.

At pangalawa: kung seryoso siya sa pag-combat ng korapsyon, dapat lahat ng tao, mapa-oposisyon o administrasyon ay kaya niyang kastiguhin—hindi lamang sa salita, kundi sa gawa rin.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 18 March 2014

E-Libel Strikes Again!

2/22/2014 1:50:10 PM

(re-updated: 03/19/2014 5:03 PM - Ilang linggo na ang nakalipas ay nagbigay na ng hatol ang Supreme Court sa isyu ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012. Ilan sa mga probisyon ay dineklarang un-consitutional, samantalang ang ilan rin sa mga ito ay idineklarang 'constitutional,' kabilang na riyan ang kontrobersiyal na probisyon na nagsasaklaw sa online libel)

O ayan na. Nagdesisyon na.

At legal nga daw ang e-libel.

Kaso, ano na mangyayari? Marami bang masasawatang mga gago sa modernong lipunan?


Nah, duda ako. Seryoso, with all due respect sa mga tagahukom at mga kups na gumawa ng section 4 ng RA 10175.

Pero sa totoo lang, ang paninirang puri talaga ay isang malaking paglabag sa batas-kriminal. Magsalita ka lang ng panlalait, at hindi nya ito talaga nagustuhan (yung tipong mas malala pa sa pagkapikon ang reaksyon niya), maasunto ka na.

Pero leche talaga, okay na sana eh. May mali lang siguro. May mabgilang-ngailan
.
Don’t get me wrong. Katulad nung sinasabi ko sa kasagsagan ng argumento nito noon, I’m all for Cybercrime law, except sa libel provision clause. Kasi isipin mo ‘to: ang salita ay may mapaglarong kahulugan. Maaring mapikon ka pag binasa mo ang isang nakakairita naming kumento, samanatalang sa iba naman ay hindi. Sa madaling sabi, magkakaiba tayo ng pag-unawa.

Maaring sabihin ko na “ang gago mo talaga,” sa isang tropa ko sa thread ng Facebook niya na pabiro obviously at naintindihan niya yun, pero pag hindi naintindihan ng sinumang kupal at biglang sumabat ng “hoy! E-libel yan ah!” ay obvisouly, patay kang bat aka sa puntong ito. Maari mong sabihin na “EH PUTANGINA, IKAW PALA YUNG TUNAY NA GAGO EH! SABAT KA NANG SABAT SA USAPAN NA MAY USAPAN!” Pero dahil sa batas na ito ay possible ka nga bang makasuhan kagad nun?

Di rin saksakan ng pagkasiraulo yun no? (dapat may batas din sa mga taong nambabasag ng trip ng may trip. As in e-malicious mischief o e-sabotage)

Pero balik tayo sa usapan. Okay sana ang cybercrime, kung kaya naman ito masawatan ang mga kaso ng prostitusyin sa internet, pati ang cyber-bullying. Ito nga lang ang problema, gaano katindi ang magiging basehan dapat para mapatunayan na libellous ang isang post o hindi? Pag may nagreklamo lang ba?

Actually, kung salita lang ang usapan, maaring maimanipula lang ito ng tao eh. Katulad ng sinabi ko kanina, iba-ibang tono, ibig sabihin, iba rin ang pag-unawa.

Maliban pa yan sa kasabihan na ‘iba ang panlalait sa nagsasabi ng katotohanan.’ Siyempre, iba talaga yun, depende na nga lang ito sa kung paano mo sinasabi ang mga bagay-bagay.

Kung ako ang tatanungin siguro, kailangan madefine kung ano ang libellous sa hindi. Dahil sa malamang, yan din ang ikinatatakot ng marami.

Freedom of speech? Absoulte ba yun? Ako sasabihin ko, sa mababaw na pag-unawa, oo. Dahil lahat naman tayo ay may kapabilidad na sabihin ang anuman nais natin, napag-isipan man yan o bugso lang ng damdamin, o napagutusan ka lamang na basahin.

Pero sa malalimang perspektibo, hindi. Siguro, dala ba ng mindset natin? Yung ating tinatawag ng ‘konsiderasyon’ sa kapwa? Maari. Dahil tulad ng kasabihan, hindi lahat ng biro, nakakatuwa. Pag ikaw ang tinamaan ng slapstick, maiinis ka, unless nasa comedy bar ka (dun hindi ka pwedeng mapikon or else, sisipain ka palabas ng venue).

Masyado na yata tayong paliguy-ligoy dito at baka mainis na sa atin yung mga tao. Pero, yun nga lang ba ang problema sa cybercrime law? Di lang. marami ngang nadeclare na constitutional, marami din naman yung nasa kabaligtaran.

Mapipigilan ba nito ang mga blog? Definitely, hindi. Siguro, magiging tame yung mga sobrang harsh at sobrang brutal magpost. Pero maniwala ka, hindi nito masusupil ang blogging industry.

Siguro, maganda na amyendahan ang batas na ito. Maaring di to kayang unawain ng lahat, pero pag ikaw ay minsan nabiktima ng krimen sa pamamagitn ng internet, baka pustahan, ikaw pa ang manguna sa panawagan sa cybercrime bill.

Basta, yung libel clause, pakiayos at pakiexplain nga ng maayos para mahal kayo ni Donya Ina.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 5 March 2014

Throwback: Tribute To Francis Magalona

3/6/2014 2:04:04 PM

It’s been six years when his untimely death shocked us. Mainstream fans, hip-hoppers, real artists, whoever you are. At least for once you appreciated his KALEIDOSCOPE WORLD under those THREE STARS AND A SUN; when he, a MAN FROM MANILA, wanted a GIRL like you to BE MINE (or should I say, “Be with him”). He really has a WHOLE LOTTA LOVIN' to warm those COLD SUMMER NIGHTS.

Yeah, talk about some kind of ‘reference bars,’ eh?


Here’s the thing. I can’t help but to watch this tribute clip for over and over again. And it’s really good.
Gloc-9 showed his passion right there. What a fitting tribute. Forget the bad-ass move that Andrew E made there. Hip-hop may have that ‘rap battle’ thing to outwit the others; but it doesn’t mean that the culture is meant to be violent.

I’m not a hip-hopper but I do believe in music, that it can bind every human being with love and respect.
Let’s set the shit aside for a while. Here’s Gloc-9, Andrew E, Hi-C, and Ron Henley on this Eat Bulaga special dated March 7, 2009 (Yes, it was a Saturday).




Rest in Peace, Master Rapper. Long live the rap music!


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Monday, 24 February 2014

Tirada Ni SlickMaster: Chismax Overload

2/24/2014 9:10:08 PM

Marami nang nagtatanong. Marami na rin ang nagiging instant na tsismoso. Ito na ang laman ng mga usapan at pati mga national news item. Tama, yan nga.

E sa loob ba naman ng isang buwan ay ‘yan ang maging laman ng mga sirkulasyon e, mula balitan hanggang sa social media.

Anak ng puta naman. Hindi na ba tayo nagsasawa sa mga iskandalo at tsismis? Di ba tayo nasusuraan sa pagiging makakapal ang apog ng mga ‘to?

Masyado nang over-hyped ang isyung ito. Sobra-sobra pa sa pagiging blown out of proportion.

At ito ang mas mahirap pa. Patayin mo man ang TV, ito naman ang magiging laman ng pahayagan. Alisinmn mo man ang papel, laganap naman sila sa internet.

At kahit hindi ka tumangkilik sa media sa loob ng isang araw, may isang pagkakataon pa rin na maririnig mo pa rin ito mula sa mga bungangera mong kapitbahay.

Unless kung nakapiit ka sa sariling kulungan at all-day forever alone lang ang peg mo.

Pero... tangina naman, nakakaurat na yan!

Sa sobra nang daming twist nito, para na siyang paborito mong teleserye – pinapaikot na lang ang kwento, bumenta lang sila. Kahit walang-wala sa ugnayan ang mga pangyayari.

At oo, para na rin itong pagkain – pagkain na hindi na kaya pang sikmuraan; as in nakakaumay na sa panlasa. As in tila isang junk food na ang lahat – as in literal na basura, pero tinatangkilik n’yo pa (oo, kayo lang. Huwag n’yo kong idamay mga supot kayo).

Ito ang problema: kikita ba ang Pilipinas pag patuloy pa ring pinag-uusapan ang tatlong mokong na ito? Aangat ba ang ekonomiya, maiibsan ba ang mabigat na daloy ng trapiko, magkakatrabaho ba ang mga desperado’t sawang-sawa na sa pagiging tambay, bababa ba ang presyo ng mga bilihin, at higit sa lahat, ikauunlad ba natin ang pagsubaybay sa mala-teleseryeng tagpo sa kani-kanilang mga asunto?

Anak ng puta naman. Let’s get fucking real here, ano po, mga itoy at ineng?

Marami pang mahahlagang problema na dapat pang pagtuunan ng pansin ang Pilipinas. Oo, seryoso. Mula pork barrel scam (bagay na hindi ka pwedeng magsawa kahit nakakaumay na ang pork barrel na yan), hanggang sa mga proyektong magpapaubos ng pasensya sa iyo sa daan hanggang sa mga kung anu-anong mas makabuluhan pa.

Pero ang pagpatol natin sa iyung ito ay patunay na isa tayong malaking ISKWATER. Tunog elitista ba ang datingan? Oo., dahil ganun talaga.

Tama ang mamang nagsabi ng “Poor people talk about other people,” at sa kaso natin, hindi lang tayo poor (in general). Eh ano? Kundi SKWATER na.

At hindi ito usapin ng pera o pinansyal ha? Sa utakan ang tinutukoy ko. Besides, ilang beses na ba nating pinuputakte ang mga ganitong klaseng isyu?

Sobrang babaw nga para patulan ang argumentong ito, pero ito rin ang patunay na sobrang babaw din natin as a whole. May gana ka pang makipag-usap ukol sa buhay ng ibang tao samantalanag nagugutom ang mga anak mo sa bahay? May gana ka pang makialam sa buhay ng paboritong artista sa halip na ang dapat na pinapakialaman mo ay ang trabaho mo?

Dito pumapasok ang ‘needs versus wants’ na sitwasyon. Mas gusto natin ang entertainment kesa sa mga bagay na makapagbibigay sa atin ng kaalaman.

Actually, ang entertainment ay ganun din naman, nagiging maalam ka. Pero iba ang kaalaman na dapat mong malaman kesa sa mga ampaw na bagay na tulad ng pangingialam mo sa showbiz. Magiging showbiz reporter ka ba tulad ng mga chikas sa beat ng dos singko at suyete kung magiging talakera’t tsismosa ka?  Magkakapera ka ba kung maging una ka sa balita ukol sa kanila? Eh wala ka ngang follower sa Twitter mo eh (anong konek? Siyempre, dun ang madalas na venue ng mga naglalagablab na balita eh).

Tama ang sinabi rin ng isa sa mga analistang hinahangaan ko, na ang ‘poor people’ ay mahihilig sa mga ‘entertainment.’ Sabagay, repleksyon nga kasi ito ng pagiging mababaw natin.

Tulad ng pag-patol natin sa awayan dati ng dating mag-asawang Kris at James, sex scandal nila Chito and Wally, at pati na rin ang bangayan ng mga mag-utol na Barretto.

As in SKWATER lang.

Basura.

Ampaw.

Kaya p’wede ba? Na tama na ’yan? Utang sa boundary naman oh!

Enough of excessive publicity, please?

Wala na dapat tayong pakialam kung may nagahasa pa si Vhong, kung chubby si Deniece, o na-demonize si Cedric ng media.

Eh sa totoo lang, hindi naman magiging malaking isyu ito kung:

Una, hindi gumawa ng kalokohan ang isa sa kanila; at

Pangalawa, hindi sila prominenteng nilalang? (pero teka, hindi naman sikat ang huling dalawang nabanggit ah.)

Oo, hindi nga sila kilala, pero dahil isa sa kanila ay sikat, damay-damay na. Alam nyo naman ang kapangyarihan ng media eh.

Dapat nga may media blackout na ukol dito eh. Pero... asa pa tayo sa ganun, no. Dito kumikita ang media eh – tama, sa mga konrotbersyal na bagay.

Bottom line, pagpyestahan man nga natin ang mga item nila, matatapos pa rin ang araw na kayo’y naka... NGANGA !

In short... olats.

Oo, huwag nyo ko idamay, bagamat nagbato pa rin ako ng statement of generalization...

KAYO LANG YAN.

Angal ka? Sipain kita d’yan eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 30 January 2014

Si Vhong at Deniece Na Naman Ang Balita! Eh Ano Naman Ngayon?

1/31/2014 1:46:34 PM

WARNING: Ang post na ito ay rated SPG. Naglalaman ng tema at lengwaheng hindi akma sa mga tatanga-tangang tagahanga ng mainstream.


Hay, naku. As usual, 7 araw matapos pumutok ang isyung ito, sasakyan na naman ng karamihan  ‘to. As in mapapaisip ka na lang, “may kontrobersiya na naman?”

At masarap naman din sabihing “Eh Ano Ngayon?”

Oo nga naman. Eh ano naman ngayon kung nabugbog si Vhong Navarro? Eh ano naman kung sino ang kupal na si Cedric Lee? Eh ano naman kung bias ang report ng media? Eh ano naman kung di magkatugma ang mga kilos ng mga nagpablotter nito? Eh ano naman kung nagbiro si Goma? Eh ano naman kung ‘chicks’ ang inoral sex daw diumano ni Vhong na si Deniece Cornejo? Eh ano naman kung may pasaring sila Kat Alano at Vina Morales sa kani-kanilang mga Twitter, Facebook at Instagram posts?  

Eh ano naman kung di kayo maniwala sa abugago, este, abugado ng kampo nila Lee at Cornejo? Eh ano naman ngayon kung akma sa pahayag ni Navarro ang mga footage ng CCTV?

Oo nga! Ang daming twists sa plot ng kwentong ito. Eh putangina naman... ano naman ngayon?
Maraming mahahalagang problema ang Pilipinas. Kasama na riyan ang pork barrel scam, kabilang din diyan ang amazing story ni Kap na ‘trak’ na ebidensya. Pati na rin ang pagtulong mga biktima ni Yolanda, pati na rin sa lindol sa ilang probinsya sa Kabisayaan, si Agaton, at yung darating na bagyong si Basyang.
Isama mo na rin pala ang sigalot sa pakikibaka sa kapayapaan sa Mindanao.

Lahat ng yan, dahil lamang sa pagkabugbig sa isang host ng “Showtime,” ayan na. Naging epektibo ang “diversionary tactic” nila. Mission accomplished.

Masyado na rin nito nakuha ang atensyon ng media at NBI. Sa halip na dapat ay mas tumutok pa nga to sa mga mahahalagang tungkulin sa ating lipunan tulad na lamang ng pagfocus sa mga mas mahahalagang isyu sa ating lipunan at ultimo ang pagsasaayos sa pagkuha ng clearance.

Sa totoo lang, okay din sana pag-usapan ang mga ito. Kaso sumusobra na rin eh. Nakakarindi sa tenga. Nakakasulasok na. Nakakasura’t din at di na kaya pang sikumrain pa. Sa panahon na ang Balitanghali, Andar ng mga Balita, 24 Oras, Aksyon, TV Patrol, Saksi, Pilipinas News at Bandila ay ginagawang parte ng mga national headline ang insidente ni Vhong, Deniece at Cedric, nagiging isang malaking circus ang mga newscast (buti na lang, ang mga tulad ng Solar at ANC).

At isama mo na rin pala ang Facebook posts. Democracy kamo? Asus. Siguro applicable lang yan kung mainit-init talaga ang isyung yan at hindi sa panahon na 'stale' na ang datingan. Uso mag-move on, mga pre.

Siguro, dikta ba ng mga manunuood na ubod ng kamangmangan ay kaignorantehan na lamang (at dagdagan pa ng pagiging emosyonal at pagkahumaling sa mga teleserye) ang dahilan? Maari, pero hindi rin eh.
Basura na ang pinapalabas ng audience regardless kung chicks din ang mga istura ng mga showbiz at NBI beat reporters. Masakit at mapait na katotohanan ba?

Actually, oo. Pero sa kabilang banda, ika nga, “controversy sells,” regardless kung ‘hits o diss’ ang take mo sa isyung ito. At siguro, may factor ito ng “romansa” at sex. Come to think na sa anggulo ng isyung ito naungkat ang pagchi-cheat diumano ni Navarro sa kanyang gelpren?

Pero sa totoo lang. Nakakasawa na talaga eh. We just can’t give shit on them anymore. Saka 2014 na. Nag-Chinese New Year na. Pero ito pa rin pag-uusapan niyo? Tangina, supot.

Bottom line, tayo, ang publiko pa rin ang talo rito. Bakit kanyo? Eh basura na ang hinahain sa iyo e samanatalang hindi yan ang kailangan mo. Mas basura pa sa junk food actually. 

Eh kung hayaan na lang natin silang matauhan? At tayo naman, magsimulang magtrabaho sa halip na makipagtsismisan, ano po?


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions 

Monday, 27 January 2014

Sabi Ng Isa, Sabi Ng Kabila

1/28/2014 12:57:11 PM

Nakakalito na. Mabuti na lang ay hindi ako bumibiyahe sa oras na sinusualt ko ito dahil sa malamang, kulang pa ang Bonamine at kung ano pa ang mga gamut na pangontra hilo para dito.

Pero nakakalito nga ba ang mga pinagsasabi nila? Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo?

O SADYANG ‘OVERLY BOLOWN OUT OF PROPORTION’ NA ANG LAHAT NG ITO? Tama, OA na kung sa OA.


Sabi ng isa, pumunta lang siya. Sabi naman ng kabila, inimbitihan.

Nasuntok ang sikat na artista. Na-opsital dahil dun. Ang bwelta naman ng kabila,nagtangka siyang manggahasa sa isang babae dun. At ‘citizen arrest’ lang ang mga nangyari.

Ito ang problema: kung nangrape si Vhong Navarro, bakit hindi nakalock ang pinto? Ano ‘to?  Na siya nakapagpigil? Ganun?

Citizen arrest lang daw ang nangyari? Pero ayon kila Cedric Lee, nagtatangkang pumiglas si Vhong kaya tinalian nila ito gamit ng duct tape.

Teka, saan nga ba ginagamit ang citizen arrest? Saka kung sasaklawan ang mga ito, dinadala sa presinto ang alinmang gumagawa ng katarantaduhan. Hindi ito sinasamahan ng kung anu-anong physical struggle. Ganun? Pero napakakumplikado lang, depende siguro sa sitwasyon kung paano ieexecute talaga ang citizen arrest.

Attempted rape ba? Pero teka, bakit hindi nagpamedico-legal si Deniece Cornejo? Di ba madalas na SOP sa ganun kung masyado kang nasaktan o masyado kang naharass, ke magpapablotter ka lang, nagpamedico legal pa?

Dahil inurong ba ang reklamo? Ganun? Nagpablotter ka pa. Pero sabagay, parang ang dating niyan ay sa susunod na magaganp ulit ang pagkakataong ito, ikaw ay masasakdal sa pangalawang pagkakataon.
Ganun? Pero still ebidensya mo pa rin eh. Preba.

Bakit hindi rin nagpamedico-legal si Vhong? Hmm, pero teka, ‘di rin ba sapat ang itsura niya sa ospital? O baka naman may hihirit ng “baka make-up lang yan.” At ang tell all interview niya? Alam kong nagdrama siya minsan, pero I doubt it this time around. Nah.

Yung anggulong attempted rape. Yung report dun, bias nga ba? Ewan ko. Maaring bobo din ba ang mga manunood? Mas maari din, considering na malakas ang kapangyarihan ng media. Madaling makapagpa-impluwensya ng tao.

Eh kung sa yun ang source nila eh. Ang tanong nga lang ay “pirma nga ba ni Vhong yun?” Sapat ba ang ebidensya ng mga litrato ng kanyang pagkakahuli diumano sa police station?

Kaya para sabihin na worst network ang siyete ay isang malaking kagaguhan. Ganun din sa side ng dos at singko, at kung ano pang network dyan. Network wars should be putted aside, at sinumang ogag na magsasabi na “asus! Dos versus Siyete na yan!” ay obiviously, isang gago. Palibahasa, nagpapakababaw. Nagpapakasasa sa mga bagay na nakikita nila. Palibhasa na-inject sila ng virus na kung tawagin ay “mainstream.”

Pero kung tutuusin, hindi sila bias. Ang problema dito ay ang media nga lang ang nagpapalaki ng isyu dito – at yan ang pinakatotoong pangyayari sigurado.

Maaring hindi nagsasabi ng ‘absolute truth’ ang magkabilang kampo at dinadaan sa abugado (and considering na ang alinmang nalalamn nila ay isasala pa at yung matitira ay yun lang ang tangi nilang pwedeng sabihin sa korte). Pero walang kasalanan dito ang mga abugado. Trabaho nila yan eh.

Maaring may tinatago ang magkabilang kampo, which is talaga naming nakakalito. Actually kahit sa hanay ng pulis, may magsasabing nakuha nila ang blotter, may nagsasabi naman na hindi nila ito natanggap. Labo pa rin, di ba? Pero again, kahit may pagkukulang sila sa senaryong ito, hindi sila ang tunay na may sala.

Biyernes lang ito nabalita, samantalang Miyerkules pa ito mismo nangyari. Ang tanong: anyare? Abkit ngayon lang? Ano ‘to, ang dating ay ‘may mapag-usapan lang?’

Naalala ko ang prof ko nun sa isang major subject: isa sa mga element ng pagbabalita ay ang ‘proximity.’ Meaning, dapat ay mabilis pa sa alas-kwatro ang maghahatid ng mga kaganapan. Kaya sa totoo lang, mukha na siyang panis (I mean yung balita) noong panahon na yun kung susuriin. Stale, ika nga.

Nah, pareho lang sila may mali eh. Pareho ring may tinatago. Pareho silang nagsusumbatan. Pareho lang silang nagbababuyan ng pangalan sa harap ng mga mata ng publiko, pati na rin ang mga tumututok sa social media. In other words, pare-pareho lang naman nila kayong ginagago eh (wag mo kong idamay dyan).

I’m not taking sides, pero dapat ma-settle na rin ‘to in such a way na sila na lang ang mas nakakaalam – tual nung nangyari naman ito ay sila-sila rin naman ang mga nagkakasangkutan eh (unless ilabas ang CCTV footage); habang sa totoo lang ay marami pang mas mahahalagang balita ang dapa ibinabalita pa kesa dito. Diversionary tactic ang dating eh. Mas mahalaga pa ring pag-usapan ang pork barrel scam kesa sa mga nangyari sa isang host ng Showtime.

Pustahan, ilang lingo magtatagal ang isyung ito. At dahil dyan, marami na  naman ang mga siraulong tatamad-tamad magtrabaho. At dahil d’yan... aabangan nila ang susunod na kabanata!

Nalito ka ba? Ako din eh.

Sabi ng isa, sabi ng kabila, ay pucha, nakakalito na! TAMA NA!


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 23 January 2014

Ibalik Ang Death Penalty?

1/24/2014 3:30:04 PM

Kailangan ba talagang magka-Death Penalty muli sa ating bansa? Kung pagbabasehan ang mga pangyayari sa ating lipunan – na lagi na lang yata nagkakaroon ng marahas na kriment – siguro. Yan ay mas solido pa kung ikaw mismo ay biktima ng mga kaganapan na gawa ng mga halang na bituka.


Pero ayaw kasi ng Simbahan yan e. Ayon sa isa sa mga opisyales nilang si Fr. Melvin Castro na ang simbahan ay naniniwala sa restorative justice – isang hustisya na nakakamit sa pamamaraan ng paghilom sa mga sugat. Ito ang problema – ang paghilom ay mas matagal, at kung sakali man na dumating sa punto na gumaling ang mga sakit ay hindi na ito makakagalaw pa tulad ng dati (tignan mo na lgn sa malaim na perspektibo ang mga salitang ito).

In short, hindi siya naniniwala sa pamamaraan na kailangan pang dumaan ng dahas. Parang kasabihan ba na “hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali” ba? Depende kasi yan eh. Siguro tahasan itong kinokontra ang mga istilo ng pamamaraan ng pagparusa sa pamamagitan ng mga salita sa code ni Hammurabi, na “fight fire with fire.”

Tingin ko, ganun din ang pananaw ng Commission of Human Rights dyan. Tulad ng sinabi ni Etta Rosales sa programang “Wasak,” ang may problema dito ay ang sistema.

Naku, talaga lang ha? Sabagay, talaga naman may problema ang sistema allo na kung hustisya ang usapan dahil lgui ang mga mahihirap eh.

Pero ito pa ang isang suliranin dyan: kung hindi maiimplementa ang death penalty, paano masisisguro ang seguridad natin? Lalo na sa panahon na may mga kawatn sa lipunan? Ano ‘to? Kasalanan ba ng media na lagging palaman ng kanilang pangbalitaan ay ang mga crime beat report?

Naalala ko si Erap bigla. Isa siya sa mga tumawag ng atensyon ng CBCP ukol dito. May kaso kasi sa Paco na namatay at nagahasa pa ang isang musmos na bata. At kung maalala ko, maliban sa downside na katiwalian, ay isa rin siyang crimebuster. Sino ba ang makakaalala sa mga huling pag-implementa ng death penalty, tulad noong nangyari kay Leo Echegaray?

Hindi ito usapin ng lumalaki ang populasyon (anak ng, anong konek?). Pero ang tama ay hindi sa lahat ng oras ay nadadaan sa matiwasay na pamamaraan. Parang sermon ng magulang sa pasaway na anak, o ultimo ang ‘sampal.’

Sa totoo lang, mas okay ngang irevive ang death penalty. Yun nga lang, dapat ay mas salain pa ang mga taong masasakdal kung sakali man. Marami nang kriminal sa ating lugar. Kung hindi sila madaan sa santong paspasan, e baka pwede pang maidaan sa maladelubyong hampasan!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Monday, 20 January 2014

10 Worthless Stories of 2013

1/21/2014 12:55:26 PM

Sa dinami-dami ng mga balita noong nakaraang taon, hindi rin makakaila na mayroon ding naglipanang mga walang kwentang kwento na nauso pa sa sirkulasyon ng ating media.

Una kong inanusyo sa Facebook ang mga nakalistang ‘wa kents’ na balita bago pa matapos ang 2013. Pero dahil sa pabago-bago ang listahan, may mga pagbabagao akong sinuri nbago ako mag-come up sa pag-paskil nito (kaya actually, yun din ang dahilan kung bakit na-late ako ng matindi sa paggagawa nito).

Bakit nga ba sila nakakairita sa mata ng publiko? At bakit pa naging parte sila ng kasaysayan ng mga newscast at news feed sa Facebook at Twitter? Ayon sa aking propesor sa isang major subject, ang balita ay dapat naglalaman ng “prominence.” Kaya kahit magtaka at magreklamo ka pa ng bonggang-bongga, hindi kasi makakaila na ang karamihan sa listahn na ito ay naglalaman ng mga prominenteng pangalan, personalidad man o material na bagay.

Pero kung hindi mo mapigilan ang emosyon mo… problema mo na ‘yun (wag kasing pairalin yan na parang nagrereact ka sa Facebook kahit hindi mo pa nababasa ng buo ang isang post). Anyway, narito ang sampung over-rated-pero wala naman talagang substansiyang balita noong 2013.


1. Barretto Family Feud – wala nang mas nakakairita pa kesa sa isang awayang pamilya na iboino-broadcast pa sa showbiz portion ng mga balita. Aba, ano sila? National news item? Mula sa sumbatan ng mag-ate hanggang  sa nakisali ang mga magulang hanggang sa pakikipagpatutsadahan sa kani-kanilang mga statement sa mga reporter. Naknampota naman.

2. Sex Scandal Videos from Wally Bayola and Chito Miranda – oo, may sex scandal sila. Eh pucha, ano naman ngayon? Ano ‘to? Nabubuhay pa rin tayo sa medieval ages? O renaissance? O naglalabasan na naman ba ang mga hipokritong konserbatibo at magsasabing “tangina naman. Nakakahiya naman ang dalawang ‘to!” Huwag nga tayong mag gaguhan dito. Parang wala kayong alam sa salitang ‘sex’ ah (at sinuman ang magdedeny ay karapat-dapat na i-gangbang dito),k and as if na “Christmas gift” ang datingan sa inyo ng mga balitang yan. OO, may sex scandal nga si Kalbo at Chito – E ANO NAMAN NGAYON?

3. Kris-Aquino-James Yap feud –  Sobra-sobra na ang publicity ng media ukol dito. Malamang, tuwang-tuwa ang PR ng magkabilang kampo na nagte-trend sila sa kamalayan ng masa. Pero anak ng pating naman, nagmumukhang Drama Queen si Kris habang sinusumbatan ang asawa sa kaniyang kamalian; samantalang si James naman, parang action star na umiiyak sa press con. Ano, yan ba gusto n’yo? Mag-aaway nang bonggang-bongga sa harap ng publiko na hindi alintana ang pakiramdam ng pagkahiya?

4. Senate hearing re: Pork Barrel Scam – ito ang patunay na isang malaking JOKE ang ating pulitika sa Pilipinas. Mantakin mo, ang Senado, mag-iimbestiga sa kaso na kinasasangkutan ng mga kabaro nila? Ano ‘to? Sarswela o moro-moro ng mga hipokrito? Pustahan, baka mamaya niyan ay makakalimutan rin nila ang isyung yan dahil ang ilans a kanila, tropa si Napoles. Plus, masyado pang over-rated pa ang kanyang pagsuko.

5. 2013 Midterm Election Results – actually, maliban sa #4, ito ang mas hiit na magpapatunay kung anong klaseng laro ang pulitika sa ating bansa. Kaso, may magagawa pa ba tayo kung marmaing botanteng tatanga-tanga eh. Huwag ka nang mag-rant d’yan. Move on-move on din pag may time.

6. Harlem Shake and Gwiyomi Worldwide Craze – nauso lang mula sa isang blog post, ayan na, nagsisinuruan na. Sa kaso natin sa Pilipinas, pinauso lang ng ilang personalidad at pati na rin yung nasa isang noontime TV show, ayan na, nagsisnuruan na rin sila. Kaso noong pinanood ng mundo ang kanilang sarili, aba’y parang tanga lang pala.

7. Clash at the Senate: Miriam Defensor Santiago versus Juan Ponce Enrile (plus Panfilo Lacson) – may kaugnay to sa sinulat ko sa #4. Pero anak ng pating naman, ang tatanda niyo na, pero umaasal kayo na parang batang nagkikipagharutan sa playground? Let’s get real here – wala kaming pakialam sa political o personal na drama niyo. Mabuti pa, MAGTRABAHO NGA KAYO!

8. Pugad Baboy's Termination – nang dahil sa alburoto ng isang eskwelahan, ayan, natsugi sa dyaryo ang komiks ni Pol Medina. Kinalimutan yata ng mga ‘to ang sandamukal na effort, reputasyon, at kita nila nang dahil sa isang katiting na pagkakamali. Pagkakamali na dapat ay napunta sa parte ng mga roofreader. Sila pa ang may sala kung bakit nalimbag ang kontrobersyal na strip eh. Kaya ang daming OA na nagreact laban sa Pugad Baboy. ‘di bale, baka maglalaway sila sa kanilang pagsisisi dahil ang PB, nanaig pa rin kahit sa Rappler nga lang; habang sila, andyan pa rin.

9. Break-up on air – nang dahil sa pagkahumaling sa isang bumisitang bokalista, nahalungkata ng kanilang away sa ere. At ay naku naman, kelangan bang malaman ng mundo na break na sila, samantalang kahit public figure ang babae, e private person pa rin naman g amituturing ang boyfriend? Kung ako sa ex ni Janine, ito ang isasagot ko kay Kris nung tinanong n’ya ito: Masakit ba? HINDI, PUTANNGINA – MASARAP KAYA! TRY MO!  Sa madaling sabi, there’s a thin line between “expressing your love” and being a “show-off.”

10. Miley’s twerking – o ang dating Disney star ay nagtwerk sa isang kanta ni Robin Thicke sa MTV awards. Alam ko, hindi siya cool. Pero ano naman ngayon? Kailangan bang iblow to out of proportion? Kagaguhan talaga ng mga netizens oh. Alam ko hindi natin tanggap ang nagawa niya. Pero look – Miley Cyrus today is not the same as Miley Cyrus we saw in our screens yesterday.


Author: slickmaster | © 2013, 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 18 January 2014

Mabuti Pa Ang Lugawan, May CCTV!

1/18/2014 4:00:34 PM

Tama. “MABUTI PA ANG LUGAWAN, MAY CCTV. ANG NAIA… WALA!”


Tama naman si Manong Ted Failon noong sinabi niya ang mga salitang ito: “MABUTI PA ANG LUGAWAN, MAY CCTV. ANG NAIA… WALA!”


Oo nga naman. Nakakaalarma na ang panahon ngayon. Kaliwa’t kanan na ang mga krimen tulad ng pagnanakaw at pagpatay ng tao. Kaya bilang pain nila sa mga kawatan, naging accessible na para sa marami ang paglipana ng mga Closed Circuit Television (CCTV) Camera.

Sa sobrang mainstream nito, napadali na yata ang mga video researcher at news reporter at editor para mas mailahad ng maayos ang mga crime stories nila.

At di lang lugawan ang merong CCTV. Pati na rin ang mga ibang establisyamento tulad ng tindahan, computer shop, karinderya, gusali, at ultimo ang mga kalye, istasyon at terminal ng public transport. Wapakels na kahit low-class o mababa ang quality, basta may CCTV lang.

Baka nga ultimo ang liblib na bahagi ng kwarto e may CCTV din. O yung sa mga tinatago sa salamin. Pati yung ibang programa sa mainstream, mala-surveillance din ang camera na ginagamit. Concealed man yan, or CCTV talaga.

Oo nga e no? Buti pa ang lugawan (at yung mga nabanggit na lugar), may surveillance camera. Eh ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3? Anyare?

Isa raw sa mga modernong airport? Weh, di nga? Bagamat mas matino-tino naman ito kesa sa isa sa mga world’s worst na NAIA terminal 1, yan naman ang papatay sa kumpyansa ng mga pasahero ng Terminal 3 – ang kawalan ng serbisyo ng kanilang CCTV.

Tignan mo na lang ang nangyari sa ambush sa isang alkalde noong nakaraang Disyembre. Yun na lamang sana ang nakakapagpabigay-solusyoin sana sa krimen. Kaso… wala eh. Hindi ba sila natuto?

Tignan mo ang kaso nila Raymart, Claudine at Mon Tulfo noong 2012. Sa isang video na lang na kuha mula sa isang netizen umasa ang dikta ng kaso. Maaring pabor yun sa batikang commentator at crime-buster. Pero ang problema, may CCTV pala sa area nay un. Pero hindi gumagana.

Anak ng tipaklong naman oh.

Sinasabi raw sa mga ulat na ipalalagyan naman ang NAIA 3 ng CCTV. Kaso, kelan naman ito mangyayari? Sa 2015 daw, sakto para sa APEC Summit.

Ano, sa 2015 pa? OO NGA daw!

Teka, bakit sa 2015 pa, hindi pa pwedeng agad? Tutal ilang linggo lang naman dapat mapag-aralan ang sistema ng paglalagay ng CCTV sa airport ah. Saka ang dating nito, parang masaydo tayong pa-impress sa ibang bansa dahil sa ngayon lang tayo nagka-CCTV. Hanep, third world problem nga naman ano?

Ganun? So mako-kompromiso pa rin ba ang kaligtasan ng mga pasahero nito? Ganon? Aasa na lang ba tayo sa checkpoint? Eh nakalusot ang mga killer eh. Patay tayo d’yan!

Kung krimen at teknolohiya na ang usapan, indeed, nakapanlulumo nga – na mabuti pa ang lugawan, may CCTV! Ang NAIA – WALA!

Sana lang mas maghigpit sila ng seguridad hindi dahil sa may nangyaring hindi maganda, kundi dahil para sa ikapapanatag ng mga tao d’yan.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions