Showing posts with label social media. Show all posts
Showing posts with label social media. Show all posts

Friday, 6 June 2014

Basa-Basa 'Din 'Pag May Time

5/13/2014 6:22:21 AM




Ito ang isa sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging arogante.



Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh. Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.

Sa advent ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.

Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.

Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.

Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.

Sa madaling sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang sinabi mo.

Pucha. Parang mga gago lang e no?

Ngunit ano o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun nagbabasa? Una, short lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.

So, ano ang mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono nila.

Pero, ang sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung anu-ano pa, ganun?

Leche.

Pero dahil sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review, nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na sapat na para magkumento.

Maaring tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.

At dahil napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila hahanga.

Pero sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao – ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.

Sa madaling sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?

Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.

Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.

Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 30 January 2014

Si Vhong at Deniece Na Naman Ang Balita! Eh Ano Naman Ngayon?

1/31/2014 1:46:34 PM

WARNING: Ang post na ito ay rated SPG. Naglalaman ng tema at lengwaheng hindi akma sa mga tatanga-tangang tagahanga ng mainstream.


Hay, naku. As usual, 7 araw matapos pumutok ang isyung ito, sasakyan na naman ng karamihan  ‘to. As in mapapaisip ka na lang, “may kontrobersiya na naman?”

At masarap naman din sabihing “Eh Ano Ngayon?”

Oo nga naman. Eh ano naman ngayon kung nabugbog si Vhong Navarro? Eh ano naman kung sino ang kupal na si Cedric Lee? Eh ano naman kung bias ang report ng media? Eh ano naman kung di magkatugma ang mga kilos ng mga nagpablotter nito? Eh ano naman kung nagbiro si Goma? Eh ano naman kung ‘chicks’ ang inoral sex daw diumano ni Vhong na si Deniece Cornejo? Eh ano naman kung may pasaring sila Kat Alano at Vina Morales sa kani-kanilang mga Twitter, Facebook at Instagram posts?  

Eh ano naman kung di kayo maniwala sa abugago, este, abugado ng kampo nila Lee at Cornejo? Eh ano naman ngayon kung akma sa pahayag ni Navarro ang mga footage ng CCTV?

Oo nga! Ang daming twists sa plot ng kwentong ito. Eh putangina naman... ano naman ngayon?
Maraming mahahalagang problema ang Pilipinas. Kasama na riyan ang pork barrel scam, kabilang din diyan ang amazing story ni Kap na ‘trak’ na ebidensya. Pati na rin ang pagtulong mga biktima ni Yolanda, pati na rin sa lindol sa ilang probinsya sa Kabisayaan, si Agaton, at yung darating na bagyong si Basyang.
Isama mo na rin pala ang sigalot sa pakikibaka sa kapayapaan sa Mindanao.

Lahat ng yan, dahil lamang sa pagkabugbig sa isang host ng “Showtime,” ayan na. Naging epektibo ang “diversionary tactic” nila. Mission accomplished.

Masyado na rin nito nakuha ang atensyon ng media at NBI. Sa halip na dapat ay mas tumutok pa nga to sa mga mahahalagang tungkulin sa ating lipunan tulad na lamang ng pagfocus sa mga mas mahahalagang isyu sa ating lipunan at ultimo ang pagsasaayos sa pagkuha ng clearance.

Sa totoo lang, okay din sana pag-usapan ang mga ito. Kaso sumusobra na rin eh. Nakakarindi sa tenga. Nakakasulasok na. Nakakasura’t din at di na kaya pang sikumrain pa. Sa panahon na ang Balitanghali, Andar ng mga Balita, 24 Oras, Aksyon, TV Patrol, Saksi, Pilipinas News at Bandila ay ginagawang parte ng mga national headline ang insidente ni Vhong, Deniece at Cedric, nagiging isang malaking circus ang mga newscast (buti na lang, ang mga tulad ng Solar at ANC).

At isama mo na rin pala ang Facebook posts. Democracy kamo? Asus. Siguro applicable lang yan kung mainit-init talaga ang isyung yan at hindi sa panahon na 'stale' na ang datingan. Uso mag-move on, mga pre.

Siguro, dikta ba ng mga manunuood na ubod ng kamangmangan ay kaignorantehan na lamang (at dagdagan pa ng pagiging emosyonal at pagkahumaling sa mga teleserye) ang dahilan? Maari, pero hindi rin eh.
Basura na ang pinapalabas ng audience regardless kung chicks din ang mga istura ng mga showbiz at NBI beat reporters. Masakit at mapait na katotohanan ba?

Actually, oo. Pero sa kabilang banda, ika nga, “controversy sells,” regardless kung ‘hits o diss’ ang take mo sa isyung ito. At siguro, may factor ito ng “romansa” at sex. Come to think na sa anggulo ng isyung ito naungkat ang pagchi-cheat diumano ni Navarro sa kanyang gelpren?

Pero sa totoo lang. Nakakasawa na talaga eh. We just can’t give shit on them anymore. Saka 2014 na. Nag-Chinese New Year na. Pero ito pa rin pag-uusapan niyo? Tangina, supot.

Bottom line, tayo, ang publiko pa rin ang talo rito. Bakit kanyo? Eh basura na ang hinahain sa iyo e samanatalang hindi yan ang kailangan mo. Mas basura pa sa junk food actually. 

Eh kung hayaan na lang natin silang matauhan? At tayo naman, magsimulang magtrabaho sa halip na makipagtsismisan, ano po?


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions