Showing posts with label rant. Show all posts
Showing posts with label rant. Show all posts

Tuesday, 1 July 2014

Half-Shot Fired! (The 14 Worthless Stories on the First Half of 2014)

07/02/1409:50:35 AM

Parang kailan lang, ano? Nangalahati na pala ang taong dos-mil-katorse, o dalawang libu't labing-apat, o simplehan na lang natin... 2014. Pinuno na naman tayo ng mga balita't kontrobersiya. May mangilan-ngilang patok talaga, at maari pa ring pag-usapan hanggang ngayon. 


At mayroon din naman yung nakakatangina lang. Parang mga 'to.

1) Handicap match

http://newsinfo.inquirer.net/
Okay. So may nabugbog sa isang condominium sa Taguig, tapos ang biktima ay ang Showtime host na si Vhong Navarro. At ang mga kontrabida diumano sa teleseryeng ito? Sila Denice Cornejo at Cedric Lee.

Shet, 2-on-1 ang peg, parang handicap match lang ng wrestling ah. Kaso, ginatungan na naman ng media. Oo, sa ngalan ng ratings. Tanginang yan.

Ano naman kung nabugbog siya? Ano naman kung nagahasa siya? Ano naman kung nabulatlat ang mga kabalsatusgan ng tatlong mokong na ito? Tapos ano naman kung may mga nakisawsaw na sa kanila?

Yan tayo eh. Ang hihilig nating pumiyesta sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad na lamang ng bugbugan nila. Ano kaya kung kumain na lang tayo sa condo, at gawin yun ng isang minuto. Pero, hoy, ginusto mo yan ha? Kaya wag kang aalma ng “rape” (sipain kita dyan eh).

Dahil nga dyan ay naglipana ang mga side-issues sgaya ng paglantad ni ganito, ni ganire, tapos yung mga kumento ng mga ex ni ganito... Naknangpucha naman. Mas malala pa sa taba ang lasa nito ah.

http://bandera.inquirer.net/
2) Rebelasyon

Matapos ang mga serye ng relasyon na nauwi sa sari-saring pagkumpisal, tulad na lamang ng may anak siyang mentally-challenged, nagka-tulo, at naging babaero ang pinakasalang asawa, ayan na naman siya... umamin na may karelasyong alkalde. At hindi lang ito basta “mayor” ha? Mantakin mong hawak niya ang isa sa mga pinakamalaking siyudad sa bansa. At dati rin siyang aktor.

Kaso... ano naman ngayon? Kailangan bang ibulatlat yan sa mainstream media? Sabagay, anak ng dating presidente at kapatid ng kasalukuyang presidente. Yung pangalan pa lang na yun ay isa nang news-worthy element eh.

Kaso ang sinasabi ba niya ay “ay worth” ba naman? Nung umamin na nakipagbreak, ayun, kawawa na naman ang imahe ng mga kalalakihan. Haba raw ng hair ni Mayor Bistek? Yun ang pinakawalang kwentang segment sa programang The Buzz nung nakaraang Linggo.

http://www.philshowbiz.com/
3) Interview

Naturingang “queen of all media” raw. Oprah of the Philippines pa nga. Kaso, may problema tayo, madam: nakalimot ka na ba sa interview etiquette? Kahit isang pipitsugin o tatanga-tangang broadcast practitioner ay hindi gagawin yan eh. Oo, kahit si Jun Sabayton o Michael Fajatin pa yan.

Saka isa pa: alam kong proud ka sa achievement ng anak mo. Pero hindi kailanman naging okay ang sabihing tinalo ang Spider-Man ng My Little Bossings. Try mo ipalabas yan sa panahon na ineere rin sa sinehan ang iba pang comedy mainstream local films gaya ng Da Possessed, at pustahan, hindi ganun tatabo sa takilya yan. Ang mga banyagang pelikula ay hindi kailangang lumahok sa mga komersyong-tema ng patimpalak para lang kumita nang kumita nang kumita.

www.huffingtonpost.com
4) Caught in the act

Ayun, so nagga-ganja raw ang dalawang miyembro ng sikat na pop music band One Direction. Eh kaso, ano naman? May magagawa ba yan sa solidong fan base na kinabibilangan ng mga malalanding bata? Asa pa tayo, 'oy.

At anong ipapaban mo ang 1D na magkonsyerto sa Pilipinas? Baka mamaya nyan ay sunugin ng mga gunggong ang simbahang pinaglilingkuran mo. Kaya ingat-ingat ka kung magsasabi niyan. Kitam mo ngang may gana pa silang gumasta ng dissyete mil para sa ilang oras na libangan na kung tawagin ay konsyerto?

At pag hindi pinagbigyan ng mga magulang nila ay daig pa sila Totoy Golem at Asiong Salongga kung mag-siga (sipain ko kayo dyan eh).

Masamang ehemplo ba? Eh bakit niyo kasi hinayaan na panoorin ng mga bata ang mga music video nila? Saka isa pa: ang kalakaran sa panahon ngayon ay ganito—ang pag-aartista (kahit sa larangan ng pagkanta) ay para kumita ng pera, hindi para kumita ng tagahanga.

At may nagalit nung nagbitaw lang sila ng kumentaryo? Patunay lang siguro yan kung gaano rin kabias ang media sa pagbibitaw ng opinyon alinsunod sa kulturang nakagawin natin. Pero patunay rin yan kung gaano ka-immature ang taste natin sa pop culture!

5) Trending scenes

So, nagtetrend ang mga tagpo sa palabas na ito, ano? Sabagay, reality bites nga naman kasi. Maraming mga gago at manloloko sa aspeto ng relasyon; at kahit sa buhay mag-asawa pa kamo.

Pero, ano pa bang magagawa mo maliban sa manood, 'di ba? Basura na nga ang pinapakain sa 'yo ng mainstream media, 'di ba? Ay, may option pala. Either balita, o mga sporting events. Yun pa mas okay.

May ka-level ba? Yung Diary Ng Pangit, na overrated raw diumano sa mata ng iilan? Nah, hindi ako aakma sa ganyan, mga tol. Hayaan ko na lang magbigay ng kuro-kuro yung mga nanuod niyan mismo.

http://www.untvweb.com/
6) Sexual attempt

Nagbanta ang isang bruha na ilalaabas ang sex video ni Leila De Lima. Okay sana kung nasa kabataan pa ang mga 'to eh.

Kaso, nakaksura kaya. Lalo na't sinabi pa yan ni Sandra Cam, na hanggang sa ngayon ay napapataka pa rin ako kung sino ba ang babaeng ito, in the first place.

Away-bata na naman ang anggulo ng kwentong ito. Kumbaga sa pagkain na ang pinakamain dish ay pork barrel scam, ay sila yung desert na tinitira madalas ng mga bata. Tapos, yung mga “bata” na yan, ay yung mga taong nagse-sensationalize ng kwentong yan – ang media (where else?).

wheninmanila.com
7) Bad Filipino Taste

Maraming na-badtrip sa isang food blog. Di raw masarap ang Filipino food. Alam mo, as much as gusto kong magdisagree sa sinabi niya, naintindihan ko rin kung bakit ganun na lamanag siya ka-hasty mag-generalize.

Pero dahil likas tayong mga patola, ayan na naman tayo eh. Parang mga gago lang ah. Ano bang magagawa mo kung ganun ang taste buds niya? Ikauunlad ba ng cusine natin ang kanyang pag-criticize samantalang may pinaglalaban ang aleng ito sa kanyang mga foodie adventures?

8) Racist!

philstar.com
Sa totoo lang, wala akong nakikitang punto kung bakit pa natin kelangang patulan ang Singaporean blog na nagbitaw ng racist mark sa mga Pinoy. Siguro, kung may matinong grounds dito ito ay yung: una, pag ginamit niya ang pangalan ng bansa; at pangalawa, kapag nag-generalize siya.

Pero ang pagreact natin sa sinabi nila ay patunay lamang na racist din tayo. Oo, racist nga tayo, sa ating mga sari-sariling karapatan. Ang lalakas nating mangbulyaw, mang-asar-mang-alipusta, o manapak ng ibang tao, samatalang pikon rin pala tayo sa kanila pag sila'y gumanti?

Gago pala 'tong mga 'to eh.

pep.ph / facebook.com/pulpolitika
9) “Privilege” Speech

Ayos na sana ang pagbibitaw ng pahayag sa isang privilege speech. Kaso, may sabit: bakit ginawa mo pa itong entertaining? May music video pa na sariling komposisyon! Astig!

Pero para sa isang lugar na seryosohan ang palagiang diskurso gaya ng Senado, tangina sino bang tanga ang hihirit ng ganyan? Ano 'to, comedy bar? Variety show?

At mas masaklap, maliban sa pagtuligsa niya ay ito pa ang mas napagtuunan ng pansin? Sabagay, kung may nagsapakan sa opisinang yan ay bebenta rin sa takilya. Pero for fucking damn sakes naman: let's get fucking real here.

Patunay lang yan kung gaano na kashowbiz ang pulitka sa ating bansa, sa sobrang showbiz, aba'y hindi na rin kataka-taka kung bakit ganito rin ang takbo ng bulok na sistema sa atin.

10) Pacball

spin.ph
Mula boxing hanggang sa showbiz hanggang sa pulitika hanggang sa... basketball?! Seryoso ka ba d'yan, kuya? Well, wala sanang masama dun. Yan ay kung sasali rin siya sa tamang proseso gaya ng pag-apply sa rookie draft.

Kaso kung para-paraan lang naman ang usapan... ay, *tweet* technical foul na yan!

Saka pwede ba, tama na ang mga papogi maglaro sa PBA? Mas okay na yung mga “bisaya” maglaro eh (ayon yan sa mga tropa kong siga sa basketball court namin)!

http://www.pinoycelebritygossip.com
11)  Sibling rivalry strikes back!

Alam ko. Last year pa ang balitang ito. Pero dahil may bagong development na naman sa kwento nila, ayan na naman tayo eh, pinatulan ng publiko at ginatungan pa ng mainstream media. Hanggang sa nakanganga na naman tayo.

Anak ng pating. Ngayon lang ba tayo nakakita ng away-pamilya? Akala kasi natin sa teleserye lang ito nagaganap. Ay, mali, sa kapitbahay niyo rin pala tutal may pagkatsismosa ka. Aminin!

www.randomrepublika.com
12) Finally... they're ON! 

Kasabay ito sa pagputok ng balita ukol sa pag-aresto kay Senador Bong Revilla. Uy, sila na raw—sila Sarah Geronimo at Maetteo Gudicelli.

Eh kaso, ano ngayon? Ano na naman bang bago sa pagpuna sa lovelife ng mga artista? Buti na lang namatay ang pag-attempt na isensationalize nito. Tama yan, mas tutukan natin ang mala-Kap's Amazing Story episode ng pag-aresto.

13) Challenge accepted?!

Dahil sa isang challenge, nalagay sa alanganin ang palabas na Pinoy Big Brother. Dumating sa punto na kailangan pang ipatawag sila ng MTRCB, ay mali, ng Senado, para lang ma-sanction ang PBB. Nilabag daw ang Magna Carta. Patay tayo dyan.

pep.ph
Kaso, pustahan, sa ilang taon na susunod, may panibagong palabas na masasangkot sa kahalintulad na isyu. Kaya siya naging isang walang kwentang balita—dahil ang mainstream ay hindi matututo pagdating sa ethical standards. Basta for the sake of ratings at revenue, go lang nang go.

Speaking of which...

14) Scripted!

So, umere na ang PBB bago magtapos ang buwan ng Abril. Eh kaso, ano ngayon? Naglipana ang mag tweet ukol sa pagiging “scripted” nito diumano.

http://ffemagazine.com/
Asus, ano pa bang bago sa mga ito? Mas malala pa nga ang pagkascript nito kung ikukumpara sa WWE eh. Ang pinagkaiba lang nito ay hindi nabigyan ng hustisya masyado ang mga nag-audition na ordinaryong Pinoy (mantakin mong naging venue pa nito ang Araneta Coliseum para pumili lang ng housemate?!).

Saka, karamihan sa mga reality show ngayon ay naglalarawan man nag totoong kilos, pero may kanya-kanyang plot pa rin yan na sinusunod. So, bottom line: may script pa rin.

Saka ilang beses na nating naririg yan, hindi pa rin kayo makaget-over? Try mo patayin yang telebisyon mo at matuto ka naman magsaing at magluto ng ulam mo, at baka sakaling sumaya ka pa.

Minsan, naisip ko tuloy. Parang lumang kanta ng Bee Gees lang. Ang siste, the joke was on us. At ano na lang ang maari nating sabihin? Walang iba kundi... Boom Panes!

http://excretaonline.com/

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 28 May 2014

Huli Kayo, Balbon!

5/5/2014 8:30:42 AM

So may bagong balita na raw sa kanila, ano? Nahuli na raw si Cedric Lee, pati yung isa sa nga kasama nilang si Zimmer Raz noong isang lingo habang patakas kuno sa Samar.

At ilang araw matapos ang "nagbabagang balita" na yun, ay sumuko naman sa Camp Crame si Deniece Cornejo. 

Eh kaso, ano naman ngayon?

Ano na ang mangyayari sa atin? Magiging national item na naman ba ito, kasabay ng mga balita ukol ay Kris Aquino, ang panukalang gawing state witness si Janet Lim-Napoles (eh?), ang pagbisita ni President Obama ng Estados Unidos sa ating bansa, at ng kung anu-ano pa.

Oo, ultimo ang The World Tonight, ang isa sa mga pinakapremyadong newscast na kilala dati sa pagtukoy sa mga lehitimong “national issue,” nagging top story ‘to eh.  Pambihira naman oh.

Nahuli na si Cedric Lee, eh ano ngayon? Mapipilitan na bang sumuko ang dating chicks na si Deniece Cornejo nito, bagay na pinapanawagan ng kanyang lolo? Oo, itsura pa lang, chicks nga. Yun nga lang, dahil sa nangyaring iskandalo na kinabibilangan talaga niya, ni Lee ant ng actor na si Vhong Navarro, samahan mo pa ng trial publicity, eh talaga namang nagbago na ang tingin ng mundo sa kanya.

Pero, alam mo, sa panahon na inupdate ko ang post na ito ay nahuli na rin sila eh. At gumugulong na ang kanialng teleserye sa hukuman. Taray, baka daig n’yo pa ag programa ni Atty. Jose Sison nyan ah? Pero tangina naman. Ano naman ngayon?!

Nahuli na sila. Eh ano ngayon? Aamin ba ang gago? Asa. Nakangiti pa yata nung humarap sa camera eh. At kung ano ang kliyente, ganun din ang abugadang datingan ah. Naalala ko kahit na sobrang urat ko sa isyung ‘to, basta pag si Howard Calleja ang nagsasalita, eh di mapigilang mag-init ang tao (malamang, nababasa ko pa rin sa Facebook posts ‘to eh. Mabuti sana kung kayang i-filter muna ang mga pst na may kinalaman sa isyung ‘to bago i-hide).

Nahuli na sila. Eh ano ngayon? Tingin n’yo ba mareresolba ang isyung ‘to? Asa. Dahil para lang itong paborito mong teleserye na magkakaroon pa ng mahaba-habang twist para lang ma-prolong ang kwento (kahit wala naman kwenta talaga, in fact). Pambihira yan, ayos din ang mga “spin doctors” ng tatlong stooges na ‘to e no?

Nahuli na sila. Ang tanong, garantiya ba na mapapakain na ng tatlong beses sa isang araw ng mga Pinoy? Mapapapalamig ba nito ang nagdidiliryong init sa ating lugar? Magkakaroon na ba ng matiwasay na internet connection ang Pilipinas? At higit sa lahat…. Kikita ba tayo dito?

Nahuli na sila. Eh kaso, ano ngayon? Kung siya ay nahuhuli, eh bakit hindi nila ito magawa sa mga mas higit na most wanted criminal sa atin? Yung mga talagang pinaghahanap ng batas mula kay Palparan hanggang sa mag-utol na Reyes? Ano ‘to, palpak lang sa plano na magtago sila Lee sa kabila ng national spotlight na binato sa kanila na parang ang datingan ay naging Philippines’most wanted na rin sila?

Buti pa nga yung nantrip kay Kae Davantes last year, e nakalaboso din kahit may reward na 2 milyong piso mula sa Malakanyang eh, partida – hindi pa sila kabilang sa Most Wanted.

At buti na lang, hindi na rin masyadong pinansin ng national administration ang balita kay Lee, dahil at least pinagmukha nilang tanga sa puntong ito ang national media, na laging inii-sccop ang mga senseless na balitang tulad nito.

O siya, ano na? Nahuli na siya. Tama na ang kagaguhang ito. Move on move on din pag may time.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Friday, 25 April 2014

Tirada Ni SlickMaster: The "Legal" Scenes

4/25/2014 5:35:40 PM

Kagabi ay nagtrend ang mga eksena mula sa palabas na ito.


WOW. Astig. May sampalan na naman! May iyakan! Batuhan ng matitinding kata at linya na naman! At higit sa lahat – nagkabukingan na. Nailantad ang dapat mailantad.

Ayos pa nga ang hashtag nila eh Parang yung pelikulang pinagbidahan lang nila Paul Walker, Vin Diesel at The Rock.

Eh kaso… ano na?

Siyempre, mas susubaybayan na yan ng mga tao dahil sa mag kapana-panabik ang mga eksenang nagaganap. Mas maglalagablag ang mga tagpo. Lalo na kung palapit na ito sa duluhang bahagi ng kwento.

Ano naman ngayon kung may ganitong eksena?

Dahil dyan, bumenta na naman ang ratings. Naging laman na naman ito ng sirkulasyon ng news feed ng Facebook, Twitter at ano pa mang social networking site ang hawak mo.

Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit maraming tao ang tila naghihimutok sa parehong awa, inis, galit at pagkalungkot.

Ano nga ba ang kayang iimplika nito sa ating kamalayan?

Na una, laging nag-eexist ang polygamy. Natural, dahil hindi naman lahat ng relasyon ay iisa lang ang dikta. Dahil rin sa magkakaiba rin naman tayong mga tao. At dahil yan, marami rin ang mga nagloloko sa mga partner nila.

At sinasalamin lang ng mga ganitong palabas ang magiging datingan nito sa bawat isa. Hindi sa sinasabi ko na mangyayari talaga yan (dahil lahat rin naman tayo ay may choice na mang-gago sa mga partner natin o hindi; at maari tayo ang gaguhin o hindi natin ito hahayaan), ang pinupunto ko dito ay isinasaad na ng palabas na ito ang dapat mong gawin bilang tao at bilang romantic partner – ke single ka man o married – sa hindi dapat gawin.

Kumbaga, nasa sa telebisyon mo na ang lahat ng posibilidad, at nasa sa iyo ang desisyon.

Pero, ito ang problema.

Nasi-stereotype na naman ang mga lalake bilang manloloko. Kaya minsan, tama rin yung isang naispatan ko sa Facebook at nagkumento ng “bakit panay lalake lang ang nagiging manloloko sa mga teleserye?”

Oo nga naman kasi, bakit kami lang? Parang ang perpekto naman ng dating ng mga babae ha? Ang sa lagay ba eh mga lalake lang ba ang may K na maging ‘jerk?’

Kung ganun, tanginang lipunan yan. Masyadong sexist o feminist ang datingan.

Saka isa pa. Ang ayos din tayong mga Pinoy, ano? Ayaw na ayaw nating nakakakita ng drama sa mga taong malapit sa atin pero pinagpipistahan naman natin ang drama ng mga tao sa telebisyon.

So, ano kaya yun? Pag may nagdadrama sa paligid mo, sasabihan mo ng “Putangina! Ititigil mo nga lyang kalokohan mo. Walang makikinig sa mga hinaig mo kahit maglupasay ka ng dugo! Gagang ‘to?!”

Tapos kapag nakakita ka ng isang eksena ng taksilan, ganito ang reaksyon mo:

“Galing talaga umiyak ni Jericho, ano?” o dili naman kaya’y “Shet! Magaling rin palang umarte sa drama si Angel Locsin ah!” o di naman ay “Ayan na! Tangina! Nagkabukingan na silang tatlo! Patay na!”

Ayos ah. ‘Di ba napapansin ng mga bugok na ‘to na kaya nga sila natuto magdrama ay dahil sa natutunan nila ito sa kapapanood ng teleserye? Mga hipkrito ampucha.

Sakai to pa ang mas malalang problema: masyado na tayong overpopulated sa teleserye, aprtikular sa mga ganitong tema, na tila wala na lang yatang inatupag kundi ang ipakita ang landian at samu’t saring karahasan (at kahit makipagtalo ka pa na “pucha! Mas bayolente pa nga ang sports tulad ng UFC at wrestling eh,” sasabihin ko lang naman dyan ay “at least ito kahit walang bayolente, walang namamatay, kung ikukumpara mo sa teleserye mo no na patayan ang bawat episode!” with matching “BITCH PLEASE!”).

Kung makikinig nga lang sana ang mga executive sa isang Jayson Benedicto na nagpanukalang “Less drama. More informative programs,” sa kanyang unang libro, baka mas masaya pa ang buhay at mas matiwasay ang ikot ng mundo.

Masyado na tayong nag-uumapaw sa teleserye. Kumbaga sa tubig, umaapaw na. At hindi ito information overload. Kundi, kardramahan overload.

Kaya tayo nagkakandaleche-leche eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 20 March 2014

The Art of Dissing The MRT

3/21/2014 1:25:54 AM

Ayan na. May nagngitngit na sa galit.

Sino? Siya lang naman, na may pinost na selfie at may mala-plakard o fansign na remark. At ang mga salita ay napakasimple: “Gago kayo, MRT!”


Siya na isang personalidad na eksperto sa aspeto ng literatura (kung sakaling hindi mo alam, isang beses ay nnanalo siya sa mga patimpalak sa literatura na kung tawagin ay Palanca awards), na may angas at bayag kung makapagsalita ng alinmang naiisip at nararamdaman niya; kaya naman pala ganun na lang ang istilo niya kung makapaglahad ng pagkagalit at dismaya e no?

Siya na maituturing na isang ‘tunay na lalake,’ dahil sa kahanga-hanga niyang gawain. Oo (at hindi ako sarcastic), nakakahanga naman talaga ang ginawa niya, dahil sa pang-isnab naman ng MRT Facebook page sa kanya (eh kung di ka ba naman may pagkasira eh, bakit ka nga naman kasi magpapaskil ng isang problema sa pamamagitan ng sobrang ‘no holds barred’ na pamamaraan).

Ayos lang yan, hindi para makakuha siya ng maraming followers, kundi mas okay na rin ang ginawa niyang pagpapaskil ng problema sa sarili niyang timeline dahil sa simpleng dahilan lamang: you express your own.

Ibig sabihin, wala pa ring mas magandang venue para sabihin ang nais mong sabihin kesa sa sarili mong profile sa Facebook. At least, walang magreregulate, o walang eepal.

Tama, isang tunay na lalakeng maituturing ang mamang ito. Dahil aminin man natin o hindi: wala (kung hindi ‘bibihira’) na lang ang mga nilalang na may kakayahan na maglahad ng buong tapang o angas at talaga namang… matindi ang pinapatamaan. Hindi madali ang ginawa niya, lalo na sa panahon ngayon na ang isang malulutong na sentinmyento niya ay sentimyento rin ng nakararami na hindi na matiis ang sobra-sobrang pasakit na dala ng mahahabang pila ng MRT.

Hindi madali ang ginawa nya sa panahon na sobrang radical at medieval mag-isip ang tao – yung tipo na mas pahahalagahan pa nila ang tingin sa kanila ng iba kesa sa pagmamahal sa sarili nila. Oo, hindi ito madali lalo na kung ikaw yung tipong makabasa lang ng isang kritisismo ukol sa iyo ay naglulupasay ka na (tol, sa ayaw at sa gusto natin, lahat tayo ay nagiging biktima ng kritisismo ng iba).

Hindi ito talaga madali, dahil sa panahon na sobrang kalmado at diplomatiko tayo sa pagharap ng suliranin, baka nakakalimot din tayo – na nasasaktan din tayo at napupuno, tulad na lang niya.

Aba’y mantakin mo naman kasi ha? Ang pila sa North Avenue, umaabot na hanggang malapit sa flyover ng EDSA-Quezon Avenue; samantalang ang nasa Quezon Avenue naman ay halos aabot na sa comppund ng ABS-CBN ang pila! Mas mahaba pa ito kung ikukumpara sa mga istasyon tulad ng sa Cubao (na mala-impyerno ang aura kapag daytime – as in yung tipong five minutes ka lang nakapila ay tatagatak na ang pawis mo).

At isang beses nga, napabus na lang ako kesa sa maghintay at ngumanga dala ng pila dun na umabot na sa baba ng mga pedestrian overpass ng Farmers.

Isama mo pa ang pagkakataon na halos aabutin ka pa ng limang tren bago ka pa makasakay ng tuluyan (sa kaso ko dati, yan ang dahilan kung bakit nalate pa ako ng bonggang-bongga; tama, sa ganyang senaryo mismo, at tingin ko, pati ibang tao ay naranasan din ito).

Pero balik tayo sa kuwento niya: ikaw ba naman kasi ang mabagot sa sinapit ng mga tulad niya eh. Tatlong oras na nasa Ayala station, isang oras na nakapila sa platform at ganun din sa concourse. Tapos tila sumablay pa kamo daw ang Public Address (PA) Announcer nila sa pagaanunsyo ng mga progreso ng tren.

Ito nga lang ang problema: nababagot na tayo lahat-lahat and yet sumasakay pa rin tayo sa ganun. Eh para naman nating niloloko ang sarili natin nito, ano po?

Parang ganun nga, pero sa totoo lang kasi: no choice na eh. Sa panahon na puno na rin ang MRT, ganun din naman ang mga bus at jeepney. Samahan mo pa ng malalang sitwasyon ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan. Talaga namang maituturing na nasa rush hour ang karamihan.

At hindi ito masosolusyunan ng ganun-ganun lamang. Nasa tao na rin kasi yan eh.

Pero minsan naiisip ko: di kaya dala rin ito ng pag-ayaw natin sa pagtaas ng pasahe? Oo, ayaw nga itaas ang pasahe kaya ang resulta ay ganito: mahabang pila, at mala-sardinas na sitwasyon sa loob ng tren.

Ngunit sa kabilang banda kasi, hindi rin garantiya na magkakaroon ng ginhawa ang mga pasahero eh. Lalo na’t nagiging lugar din ito ng mga pandurukot ng ilang mapagsamantala.

Hindi kaya nahaharap tayo sa isang katotohanan na dumarami lang talaga ang mga tao na sa ibig na makatipid sila sa pasahe ay sumasakay sila sa mga pampasaherong tren tulad ng MRT? Sa paglipas ng mga taon kasi ay tumataas ang numero ng mga taong sumasakay dito. Hindi pa yata kabilang dyan yung mga nagra-round trip (na obviously ay bawal din, pero ‘asa’ anyway).

Kumbaga sa law of economics, mas mataas ang demand kesa sa supply. Kaya either way, nagkakaroon tayo ng problema. ‘Scarcity’ yan, kung tama ang aking pagkakaalala. Maaring kumikita ang MRT, pero ito ang mas masaklap nga lang: mas malaki ang halaga ng subsidiya ng gobyerno kesa sa binabayad natin mismo. Lugi bang maituturing? Ewan ko.

Pero sa panahon kasi na nakakabagot nga naman ang maghintay ng mas mahabang pila at sumakay sa malasiksikang sasakyan. Sabagay naman kasi, uso naman ang mahahabang tren tulad ng LRT 2 eh. Saka isa pa, nagkakaaberya na rin ang mga riles nito.

Di kaya na-overworked? Hmmm….

Pero nevertheless, ang concern ng mamang ito ay nagpatunay lang kung gaano nga naman kapangit ang serbisyo ng MRT sa panahon ngayon (siguro, kung may exemption dito, yun ay sa mga oras na pasara na sila as in chambahan ka na lang makakapansin ng ganito).


Teka, balita raw ay kailangan pa yatang ma-media ang hinaing ng mamang ito para lang mapansin ng pamunuan ng MRT. At tinago lang daw nila (admin ng FB ng MRT3) pala ang post niya. Tsk.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 24 February 2014

Tirada Ni SlickMaster: Chismax Overload

2/24/2014 9:10:08 PM

Marami nang nagtatanong. Marami na rin ang nagiging instant na tsismoso. Ito na ang laman ng mga usapan at pati mga national news item. Tama, yan nga.

E sa loob ba naman ng isang buwan ay ‘yan ang maging laman ng mga sirkulasyon e, mula balitan hanggang sa social media.

Anak ng puta naman. Hindi na ba tayo nagsasawa sa mga iskandalo at tsismis? Di ba tayo nasusuraan sa pagiging makakapal ang apog ng mga ‘to?

Masyado nang over-hyped ang isyung ito. Sobra-sobra pa sa pagiging blown out of proportion.

At ito ang mas mahirap pa. Patayin mo man ang TV, ito naman ang magiging laman ng pahayagan. Alisinmn mo man ang papel, laganap naman sila sa internet.

At kahit hindi ka tumangkilik sa media sa loob ng isang araw, may isang pagkakataon pa rin na maririnig mo pa rin ito mula sa mga bungangera mong kapitbahay.

Unless kung nakapiit ka sa sariling kulungan at all-day forever alone lang ang peg mo.

Pero... tangina naman, nakakaurat na yan!

Sa sobra nang daming twist nito, para na siyang paborito mong teleserye – pinapaikot na lang ang kwento, bumenta lang sila. Kahit walang-wala sa ugnayan ang mga pangyayari.

At oo, para na rin itong pagkain – pagkain na hindi na kaya pang sikmuraan; as in nakakaumay na sa panlasa. As in tila isang junk food na ang lahat – as in literal na basura, pero tinatangkilik n’yo pa (oo, kayo lang. Huwag n’yo kong idamay mga supot kayo).

Ito ang problema: kikita ba ang Pilipinas pag patuloy pa ring pinag-uusapan ang tatlong mokong na ito? Aangat ba ang ekonomiya, maiibsan ba ang mabigat na daloy ng trapiko, magkakatrabaho ba ang mga desperado’t sawang-sawa na sa pagiging tambay, bababa ba ang presyo ng mga bilihin, at higit sa lahat, ikauunlad ba natin ang pagsubaybay sa mala-teleseryeng tagpo sa kani-kanilang mga asunto?

Anak ng puta naman. Let’s get fucking real here, ano po, mga itoy at ineng?

Marami pang mahahlagang problema na dapat pang pagtuunan ng pansin ang Pilipinas. Oo, seryoso. Mula pork barrel scam (bagay na hindi ka pwedeng magsawa kahit nakakaumay na ang pork barrel na yan), hanggang sa mga proyektong magpapaubos ng pasensya sa iyo sa daan hanggang sa mga kung anu-anong mas makabuluhan pa.

Pero ang pagpatol natin sa iyung ito ay patunay na isa tayong malaking ISKWATER. Tunog elitista ba ang datingan? Oo., dahil ganun talaga.

Tama ang mamang nagsabi ng “Poor people talk about other people,” at sa kaso natin, hindi lang tayo poor (in general). Eh ano? Kundi SKWATER na.

At hindi ito usapin ng pera o pinansyal ha? Sa utakan ang tinutukoy ko. Besides, ilang beses na ba nating pinuputakte ang mga ganitong klaseng isyu?

Sobrang babaw nga para patulan ang argumentong ito, pero ito rin ang patunay na sobrang babaw din natin as a whole. May gana ka pang makipag-usap ukol sa buhay ng ibang tao samantalanag nagugutom ang mga anak mo sa bahay? May gana ka pang makialam sa buhay ng paboritong artista sa halip na ang dapat na pinapakialaman mo ay ang trabaho mo?

Dito pumapasok ang ‘needs versus wants’ na sitwasyon. Mas gusto natin ang entertainment kesa sa mga bagay na makapagbibigay sa atin ng kaalaman.

Actually, ang entertainment ay ganun din naman, nagiging maalam ka. Pero iba ang kaalaman na dapat mong malaman kesa sa mga ampaw na bagay na tulad ng pangingialam mo sa showbiz. Magiging showbiz reporter ka ba tulad ng mga chikas sa beat ng dos singko at suyete kung magiging talakera’t tsismosa ka?  Magkakapera ka ba kung maging una ka sa balita ukol sa kanila? Eh wala ka ngang follower sa Twitter mo eh (anong konek? Siyempre, dun ang madalas na venue ng mga naglalagablab na balita eh).

Tama ang sinabi rin ng isa sa mga analistang hinahangaan ko, na ang ‘poor people’ ay mahihilig sa mga ‘entertainment.’ Sabagay, repleksyon nga kasi ito ng pagiging mababaw natin.

Tulad ng pag-patol natin sa awayan dati ng dating mag-asawang Kris at James, sex scandal nila Chito and Wally, at pati na rin ang bangayan ng mga mag-utol na Barretto.

As in SKWATER lang.

Basura.

Ampaw.

Kaya p’wede ba? Na tama na ’yan? Utang sa boundary naman oh!

Enough of excessive publicity, please?

Wala na dapat tayong pakialam kung may nagahasa pa si Vhong, kung chubby si Deniece, o na-demonize si Cedric ng media.

Eh sa totoo lang, hindi naman magiging malaking isyu ito kung:

Una, hindi gumawa ng kalokohan ang isa sa kanila; at

Pangalawa, hindi sila prominenteng nilalang? (pero teka, hindi naman sikat ang huling dalawang nabanggit ah.)

Oo, hindi nga sila kilala, pero dahil isa sa kanila ay sikat, damay-damay na. Alam nyo naman ang kapangyarihan ng media eh.

Dapat nga may media blackout na ukol dito eh. Pero... asa pa tayo sa ganun, no. Dito kumikita ang media eh – tama, sa mga konrotbersyal na bagay.

Bottom line, pagpyestahan man nga natin ang mga item nila, matatapos pa rin ang araw na kayo’y naka... NGANGA !

In short... olats.

Oo, huwag nyo ko idamay, bagamat nagbato pa rin ako ng statement of generalization...

KAYO LANG YAN.

Angal ka? Sipain kita d’yan eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 22 February 2014

Prom Season? Eh Ano Ngayon?

2/22/2014 11:26:46 AM

Dahil buwan ng pag-ibig ang Pebrero (dala ng ating matinding pagkahumaling sa Valentine’s Day), malamang, mayroon ding mga ‘prom.’

Eh kaso, ano naman ngayon?


Prom? Seryoso ka, slickmaster, ineechos mo lang ang prom? Balewala lang sa ‘yo yan?

OO, MALAMANG! (Kaya nga obviously ay sinulat ko ang piyesang ito, no!)

Pero bakit nga ba tila pati tayo ay nahuhumaling sa jeskeng ‘prom’ na yan?

Parte kasi ng high school life ang event na ito. Parang itong bente singkong sentimos na kulang sa piso. Siyempre, kulang ang high school life pag walang prom. Parang buhay, ang boring kapag walang problema.
Weh? Ows? Talaga lang, ha?

Sa totoo lang duda din ako sa ideyang yun. Tanginang lohika yan. Kulang ang high school life kapag walang ‘prom?’ Tanginang yan, nagpapatawa ka ba?

Eh sa totoo lang, pustahan tayo, kung may 1000 tao sa graduate ng high school sa panahon ngayon, baka hindi kabilang sa 950 dito ang hindi umattend ng ganun.

At kabilang ako sa 50 katao na yun.

Once in a lifetime lang yun, tol. Bakit ‘di mo pa pinatulan? Sayang yun!

‘Once in a lifetime’ your face! Ang daming problema ng bawat high schooler sa buhay isasama mo pa ba ang gastos dyan?

Oo. GASTOS LANG YAN. Mula pamporma hanggang pag-alok sa date hanggang a pagiging galante. Alam ko, munsan lang din tayong maging galante. Pero sa panahon ba ngayon, napapansin mo ba na kahit ultimo anak ng magbobote ay nagpapakapiling sosyalero’t soyalero. Oh, please, let’s get fucking real here, huh?

Na kahit sinong porbeng isturang bata ay nagpapakadesperado o desperada para magka-date. Hindi kaya dahil sa mga jeskeng bagay tulad ng prom, Valentine’s day, at ultimo ang araw-araw na pagkahumaling natin sa mga teleserye (bagay na hindi ko na kailangan mag-name drop, mahirap na, epektibo na ang e-libel ng cybercrime law eh), ay kaya tayo nagkakandaleche-leche sa ating emosyon at lovelife? Parang pag wala akong prom date, 'huhuhu' na kagad ang isa sa mga salita sa status o tweet?

Anak ng pating naman oh.

Prom season? Eh ano ngayon? Maliban sa bebenta ang tulad ng Dangwa, tailor shop, at ultimong rentahan ng mga coat at gown, ano naman? Business ba? Peak seaon?

O baka naman magdudulot lang ito ng katrapikan (ay naku naman, wag na kayong makisama sa agos  ng mga mainitin ang ulo sa kalsada dala ng mga kaliwa’t kanang mga road project)?

Prom season? Ano ngayon? Kailangan ba ng date? Actually, hindi. Pero dahil sobra tayong emosyonal, nagpapakasasa tayo sa ating depserasyon para lang makapagtanong kay ate ng “Miss, pwede ba kitang isama sa prom naming? Ikaw sana ang ide-date ko dun eh.” (p.s. wag ka nang magdadgdag ng pick-up line. Paliguy-ligoy ka pang nalalaman dyan eh, kala mo naman may gusto ka sa kanya yun pala ay may kailangan ka lang naman sa kanya).

Prom season? Malamang, baka may after party yan. Depende na lang kung either sa bar, sa convenience store (minsa’y tinatambayan pagkagaling sa bar), o baka sa…. Hoy, magsi-aral nga muna kayo? Natutunan nyo ba ang tiatawag na ‘sex education,’ at demonstration na kagad sa condo na walang kusina ang inaatupag nyo? (kailangan pa ba ng ‘foods’ dyan?)

Prom season? E ano ngayon? Pagalante ang labanan dyan as usual. The more na mas romantic ang get-up mo, mas marami kang pogi-points. Yun nga lang, “wow, astig ng damit mo ah. ‘kano na lang pera mo?” o pwede ring “Wow, prom king siya ngayon. Pustahan, bukas nganga yang mokong na yan.”

Anong punto, don’t flaunt it, if you don’t really have it. Ang daming pinagkakagastusan ng ermat mo, kasama ang load, tuition at baon mo, tapos gusto mo yang damit mo, galing pa sa mga eleganteng brand? Anak ng tokwa naman, huwag kang umabuso, ‘oy!

Prom season na. Tapos pustahan, next February, (which is obviously ay next year na dadaan) ay mauuso na naman ang ‘prom’ tapos repeat til you fade (oo, ikaw, hindi ang kanta)… unless isa kang repeater dahil either: wannabe gangster ka at paulit-ulit kang nakukulong sa presinto at detention cell ng school nyo; o sadyang mahina lang talaga ang kukote mo.

Sa madaling sabi… lilipas din yan!


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 13 February 2014

Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2014)

2/14/2014 9:11:05 AM

Babala: Ang post na ito ay rated SPG. Bawal sa mga tanga-tanga at kapos sa pag-unawang mambabasa.

Disclaimer: ang mailalahad sa post na ito ay pawang pananaw lamang ng awtor. Kung kontra ka, wala akong pake. Kung magkukumento ka na naglalaman ng salitang “bitter,” o ng alinmang kahalintulad, huwag mo nang ituloy dahil hindi rin ako nagbabasa ng mga ganyang kumento, maliban pa sa dahilan na may sagot lang din ako dyan sa iyong saradong isipan.

Wow, akalain mo, Valentine’s Day na naman!


Weh, ano naman ngayon?!


Masyado bang espesyal ang araw na ito? Sabagay, malamig ang temperature sa kalakhang Maynila eh. Parang Pasko lang at noong naglulupasay ang karamihan dahil sa SMP sila nun.

Yun lang? Parang ang babaw naman nun. Oo, mababaw talaga dahil sa likas tayong mababaw, lalo na kapag naiinlab tayo (well, in general lang naman).


Valentine’s Day na! Aba, akalain mo... uso pa pala yun? Sa mga taong nagmamahalan kahit sobrang nag-aaway sila at workaholic at kalaban ang mga modernong bagay tulad ng drugs, alak, at gadget, ibang hobbies at kung anu-anong bisyo pa, oo, usong-uso talaga yan.

Kahit makipag-argumento ka pa na “anak ng, eh after 24 hours o after midnight e tapos na rin ang Valentine’s day eh.” Ganun talaga. Kung tutuusin, ang bawat araw at gabi na dumadaan sa ating kamalayan ay sadyang ordinaryo lang naman eh. Anong bago? At ano ang pinagkakaiba niya sa mga lehitimong holiday at mga araw na tulad ng Valentine’s Day? Ang kultura natin, kasama na rin ang hype na dala ng media. Masyado na nakundisyon ang utak natin sa mga ganito.

At alam ko, unang pumapasok sa isipan ng siyam sa sampung tao sa inyo ay “ang bitter naman nito.” Aminin!

So... Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Pustahan, lilindol na naman sa Sta. Mesa niyan. Daming... um-hmmm, alam niyo na yun (ops, bawal pa-inosente).

Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Puno na naman ang sinehan niyan. Lalo na pag romantic ang pinapalabas dyan. At pag may kissing scene na umeksena sa pinilakang tabing, sasabay dyan ang magsyotang naglalabing-labing. Pero ops, hanggang halik lang ha? Bawal yung mas malalim pa d’yan.

Valentine’s Day na! Eh Ano naman ngayon? Puno ang mga restawran nyan. Kaya wag ka nang kumain sa labas. Mas okay pa sa bahay, lalo na kung misis mo naman ang magluluto ng hapunan niyo. Tunog ordinaryo ba? Mali. Pwede naman gawing espeyal ang alinmang kainan lalo na kung pamilya nyo naman ang magsasama-sama. Hindi lang sa magsing-irog ang V-Day no?

Valentine’s Day Na! Eh Ano naman ngayon? Speaking of which... kelangan bang may syota ka twing Valentine’s Day? Di ba pwedeng date lang muna? Mas okay pa yung pangalawa na piliin kesa sa mga nauna.

And kahit wala kang date, dapat ay maging masaya ka pa rin. Actually, kahit wala kang partner, dapat ay masaya ka pa rin! Syota lang ba ang tanging bashean ng kasiyahan natin? Siraulo lang ang magsasabi na ang basehan natin kung ang tao ay isang straight o bading ay ang pagkakaroon ng romantic partner sa buhay.

Kung sa tingin mo, walang nagmamahal sa iyo, e ano ang pamilya mo? O kung hindi ang pamilya mo, eh mga tropa mo? Dahil taken sila at ikaw ay single? Marahil ay magsasabi na makakatagpo sila ng ‘the one’ nila soon, pero hindi yun ang pinupunto ko. Bottom line ay may nagmamahal pa rin sa iyo. Anong Forever alone? FOREVER ALONE your face!

Valentine’s Day Na! Eh ano naman ngayon? Usong-uso na naman ang mga concert na ang tema ay pag-ibig. Parang kanta lang ng Rivermaya (“Panahon na naman.... ng pag-ibig...”). At sobrang mainstream na nga lang ng mga labsung sa ngayon, mula masa stations hanggang hit charts ng Myx.

Actually, ang buong idea ng Valentine’s Day ay ‘so mainstream.’ Oo, sa ayaw at sa gusto mo, sobrang mainstream na niyan. Obvious naman eh, mula TV hanggang sa outside world (oh, don’t tell me, ‘di mo napapansin yan?). Nagpapadala ka sa pakulo at pautot ng mga negosyong may kinalaman sa Valentine’s day and yet di ka pa rin aware? Nagpapadala ka na nga sa ideya at konsepto ng romantisismo sa bawat araw na lumilipas and yet di ka pa rin aware? 

Wow ha?!

Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Puso lang ba ang mahalaga sa araw na ito? Pa'no ang utak? Ang atay, ang balun-balunan, ang bato, at kung anu-ano pang parte? Ay, teka, may nakalimuta pala ako. Yung sex organ din pala ay mahalaga din sa araw na ito. Kapag... alam na.

Valentine’s Day na! Eh Ano naman ngayon? Masaydo bang mahaba? Tamad ka na bang magbasa?

O “eh slickmaster, ano bang bago sa sinulat mong ito ngayon? Parang wala namang pinagkaiba ‘to sa naunang dalawang bersyon ng rant mo eh.”

Exactly my point! Eh ano rin bang bago sa Valentine’s Day ngayon? Exactly the same old shit lang din naman di ba? So 2012, or so 2013. Eh kung pinaikot ko lang din naman ang mga pinagsasabi ko sa nakalipas na tatlong taon, it’s because ganyan din ang ikot ng kamalayan niyo (ops, huwag niyo kong idamay) pag sumasapit ang Valentine’s day. The world is a huge cycle, man. Same as your mind.

Valentine’s day na! E ano ngayon?

BITTER KA LANG!

Mali! TANGA KA LANG TALAGA!

P.S. 'wag nyo na lang ipangalandakan ang kabobohan niyo.


This entry was also posted at the community blog site Definitely Filipino. (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/02/13/valentines-day-na-e-ano-ngayon-v-2014/)

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 30 January 2014

Si Vhong at Deniece Na Naman Ang Balita! Eh Ano Naman Ngayon?

1/31/2014 1:46:34 PM

WARNING: Ang post na ito ay rated SPG. Naglalaman ng tema at lengwaheng hindi akma sa mga tatanga-tangang tagahanga ng mainstream.


Hay, naku. As usual, 7 araw matapos pumutok ang isyung ito, sasakyan na naman ng karamihan  ‘to. As in mapapaisip ka na lang, “may kontrobersiya na naman?”

At masarap naman din sabihing “Eh Ano Ngayon?”

Oo nga naman. Eh ano naman ngayon kung nabugbog si Vhong Navarro? Eh ano naman kung sino ang kupal na si Cedric Lee? Eh ano naman kung bias ang report ng media? Eh ano naman kung di magkatugma ang mga kilos ng mga nagpablotter nito? Eh ano naman kung nagbiro si Goma? Eh ano naman kung ‘chicks’ ang inoral sex daw diumano ni Vhong na si Deniece Cornejo? Eh ano naman kung may pasaring sila Kat Alano at Vina Morales sa kani-kanilang mga Twitter, Facebook at Instagram posts?  

Eh ano naman kung di kayo maniwala sa abugago, este, abugado ng kampo nila Lee at Cornejo? Eh ano naman ngayon kung akma sa pahayag ni Navarro ang mga footage ng CCTV?

Oo nga! Ang daming twists sa plot ng kwentong ito. Eh putangina naman... ano naman ngayon?
Maraming mahahalagang problema ang Pilipinas. Kasama na riyan ang pork barrel scam, kabilang din diyan ang amazing story ni Kap na ‘trak’ na ebidensya. Pati na rin ang pagtulong mga biktima ni Yolanda, pati na rin sa lindol sa ilang probinsya sa Kabisayaan, si Agaton, at yung darating na bagyong si Basyang.
Isama mo na rin pala ang sigalot sa pakikibaka sa kapayapaan sa Mindanao.

Lahat ng yan, dahil lamang sa pagkabugbig sa isang host ng “Showtime,” ayan na. Naging epektibo ang “diversionary tactic” nila. Mission accomplished.

Masyado na rin nito nakuha ang atensyon ng media at NBI. Sa halip na dapat ay mas tumutok pa nga to sa mga mahahalagang tungkulin sa ating lipunan tulad na lamang ng pagfocus sa mga mas mahahalagang isyu sa ating lipunan at ultimo ang pagsasaayos sa pagkuha ng clearance.

Sa totoo lang, okay din sana pag-usapan ang mga ito. Kaso sumusobra na rin eh. Nakakarindi sa tenga. Nakakasulasok na. Nakakasura’t din at di na kaya pang sikumrain pa. Sa panahon na ang Balitanghali, Andar ng mga Balita, 24 Oras, Aksyon, TV Patrol, Saksi, Pilipinas News at Bandila ay ginagawang parte ng mga national headline ang insidente ni Vhong, Deniece at Cedric, nagiging isang malaking circus ang mga newscast (buti na lang, ang mga tulad ng Solar at ANC).

At isama mo na rin pala ang Facebook posts. Democracy kamo? Asus. Siguro applicable lang yan kung mainit-init talaga ang isyung yan at hindi sa panahon na 'stale' na ang datingan. Uso mag-move on, mga pre.

Siguro, dikta ba ng mga manunuood na ubod ng kamangmangan ay kaignorantehan na lamang (at dagdagan pa ng pagiging emosyonal at pagkahumaling sa mga teleserye) ang dahilan? Maari, pero hindi rin eh.
Basura na ang pinapalabas ng audience regardless kung chicks din ang mga istura ng mga showbiz at NBI beat reporters. Masakit at mapait na katotohanan ba?

Actually, oo. Pero sa kabilang banda, ika nga, “controversy sells,” regardless kung ‘hits o diss’ ang take mo sa isyung ito. At siguro, may factor ito ng “romansa” at sex. Come to think na sa anggulo ng isyung ito naungkat ang pagchi-cheat diumano ni Navarro sa kanyang gelpren?

Pero sa totoo lang. Nakakasawa na talaga eh. We just can’t give shit on them anymore. Saka 2014 na. Nag-Chinese New Year na. Pero ito pa rin pag-uusapan niyo? Tangina, supot.

Bottom line, tayo, ang publiko pa rin ang talo rito. Bakit kanyo? Eh basura na ang hinahain sa iyo e samanatalang hindi yan ang kailangan mo. Mas basura pa sa junk food actually. 

Eh kung hayaan na lang natin silang matauhan? At tayo naman, magsimulang magtrabaho sa halip na makipagtsismisan, ano po?


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions 

Monday, 27 January 2014

Sabi Ng Isa, Sabi Ng Kabila

1/28/2014 12:57:11 PM

Nakakalito na. Mabuti na lang ay hindi ako bumibiyahe sa oras na sinusualt ko ito dahil sa malamang, kulang pa ang Bonamine at kung ano pa ang mga gamut na pangontra hilo para dito.

Pero nakakalito nga ba ang mga pinagsasabi nila? Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo?

O SADYANG ‘OVERLY BOLOWN OUT OF PROPORTION’ NA ANG LAHAT NG ITO? Tama, OA na kung sa OA.


Sabi ng isa, pumunta lang siya. Sabi naman ng kabila, inimbitihan.

Nasuntok ang sikat na artista. Na-opsital dahil dun. Ang bwelta naman ng kabila,nagtangka siyang manggahasa sa isang babae dun. At ‘citizen arrest’ lang ang mga nangyari.

Ito ang problema: kung nangrape si Vhong Navarro, bakit hindi nakalock ang pinto? Ano ‘to?  Na siya nakapagpigil? Ganun?

Citizen arrest lang daw ang nangyari? Pero ayon kila Cedric Lee, nagtatangkang pumiglas si Vhong kaya tinalian nila ito gamit ng duct tape.

Teka, saan nga ba ginagamit ang citizen arrest? Saka kung sasaklawan ang mga ito, dinadala sa presinto ang alinmang gumagawa ng katarantaduhan. Hindi ito sinasamahan ng kung anu-anong physical struggle. Ganun? Pero napakakumplikado lang, depende siguro sa sitwasyon kung paano ieexecute talaga ang citizen arrest.

Attempted rape ba? Pero teka, bakit hindi nagpamedico-legal si Deniece Cornejo? Di ba madalas na SOP sa ganun kung masyado kang nasaktan o masyado kang naharass, ke magpapablotter ka lang, nagpamedico legal pa?

Dahil inurong ba ang reklamo? Ganun? Nagpablotter ka pa. Pero sabagay, parang ang dating niyan ay sa susunod na magaganp ulit ang pagkakataong ito, ikaw ay masasakdal sa pangalawang pagkakataon.
Ganun? Pero still ebidensya mo pa rin eh. Preba.

Bakit hindi rin nagpamedico-legal si Vhong? Hmm, pero teka, ‘di rin ba sapat ang itsura niya sa ospital? O baka naman may hihirit ng “baka make-up lang yan.” At ang tell all interview niya? Alam kong nagdrama siya minsan, pero I doubt it this time around. Nah.

Yung anggulong attempted rape. Yung report dun, bias nga ba? Ewan ko. Maaring bobo din ba ang mga manunood? Mas maari din, considering na malakas ang kapangyarihan ng media. Madaling makapagpa-impluwensya ng tao.

Eh kung sa yun ang source nila eh. Ang tanong nga lang ay “pirma nga ba ni Vhong yun?” Sapat ba ang ebidensya ng mga litrato ng kanyang pagkakahuli diumano sa police station?

Kaya para sabihin na worst network ang siyete ay isang malaking kagaguhan. Ganun din sa side ng dos at singko, at kung ano pang network dyan. Network wars should be putted aside, at sinumang ogag na magsasabi na “asus! Dos versus Siyete na yan!” ay obiviously, isang gago. Palibahasa, nagpapakababaw. Nagpapakasasa sa mga bagay na nakikita nila. Palibhasa na-inject sila ng virus na kung tawagin ay “mainstream.”

Pero kung tutuusin, hindi sila bias. Ang problema dito ay ang media nga lang ang nagpapalaki ng isyu dito – at yan ang pinakatotoong pangyayari sigurado.

Maaring hindi nagsasabi ng ‘absolute truth’ ang magkabilang kampo at dinadaan sa abugado (and considering na ang alinmang nalalamn nila ay isasala pa at yung matitira ay yun lang ang tangi nilang pwedeng sabihin sa korte). Pero walang kasalanan dito ang mga abugado. Trabaho nila yan eh.

Maaring may tinatago ang magkabilang kampo, which is talaga naming nakakalito. Actually kahit sa hanay ng pulis, may magsasabing nakuha nila ang blotter, may nagsasabi naman na hindi nila ito natanggap. Labo pa rin, di ba? Pero again, kahit may pagkukulang sila sa senaryong ito, hindi sila ang tunay na may sala.

Biyernes lang ito nabalita, samantalang Miyerkules pa ito mismo nangyari. Ang tanong: anyare? Abkit ngayon lang? Ano ‘to, ang dating ay ‘may mapag-usapan lang?’

Naalala ko ang prof ko nun sa isang major subject: isa sa mga element ng pagbabalita ay ang ‘proximity.’ Meaning, dapat ay mabilis pa sa alas-kwatro ang maghahatid ng mga kaganapan. Kaya sa totoo lang, mukha na siyang panis (I mean yung balita) noong panahon na yun kung susuriin. Stale, ika nga.

Nah, pareho lang sila may mali eh. Pareho ring may tinatago. Pareho silang nagsusumbatan. Pareho lang silang nagbababuyan ng pangalan sa harap ng mga mata ng publiko, pati na rin ang mga tumututok sa social media. In other words, pare-pareho lang naman nila kayong ginagago eh (wag mo kong idamay dyan).

I’m not taking sides, pero dapat ma-settle na rin ‘to in such a way na sila na lang ang mas nakakaalam – tual nung nangyari naman ito ay sila-sila rin naman ang mga nagkakasangkutan eh (unless ilabas ang CCTV footage); habang sa totoo lang ay marami pang mas mahahalagang balita ang dapa ibinabalita pa kesa dito. Diversionary tactic ang dating eh. Mas mahalaga pa ring pag-usapan ang pork barrel scam kesa sa mga nangyari sa isang host ng Showtime.

Pustahan, ilang lingo magtatagal ang isyung ito. At dahil dyan, marami na  naman ang mga siraulong tatamad-tamad magtrabaho. At dahil d’yan... aabangan nila ang susunod na kabanata!

Nalito ka ba? Ako din eh.

Sabi ng isa, sabi ng kabila, ay pucha, nakakalito na! TAMA NA!


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions